Naaksidente ang van kung saan lulan ang singer na si Gigi de Lana at ang kanyang banda na The Gigi Vibes habang bumibiyahe papunta sa isang provincial gig sa Ilocos Norte kahapon, May 14, 2023.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Gigi ang mga larawan ng kanilang sasakyan na sirang-sira ang unahang bahagi nito.
Ayon sa pahayag na inilabas ng singer, nagtamo siya at ang lahat ng miyembro ng kanyang banda ng minor injuries dahil sa aksidente.
Dagdag pa sa pahayag, pasado alas diyes ng umaga kahapon nang mabangga ang kanilang van habang sila ay bumabagtas sa Ilocos Norte.
Nagpagamot lamang sila sa emergency room ng isang ospital doon at itinuloy pa rin ang kanilang gig sa “Himala Sa Buhangin” event sa Paoay, Ilocos Norte.
Nagpasalamat naman sila sa lokal na pamahalaan ng San Fernando, La Union, at sa ilang indibidwal sa agarang tulong na ipinaabot sa kanila.
Narito ang kabuuang pahayag ni Gigi at ng kanyang banda:
“Gigi De Lana and The Gigi Vibes was involved in a car accident today at 10:20 am while traveling from the 'Sulong Aurora Event' to the 'Himala Sa Buhangin Event in Ilocos Norte.'
"The band members, Jon, Oyus, Mela, Gigi, and four other crew members, sustained minor injuries.
“Fortunately, no one else was involved in the accident, and all issues have been resolved.
"The band and crew have received medical clearance from the Ilocos Training and Regional Medical Center Hospital, and they will continue their journey to tonight's show.
“We express our gratitude to the LGU of San Fernando La Union, the LUPPO, and Mr. Erickson Dinglasan for their assistance during this unexpected incident.
“Maraming Salamat Po!”
