Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkadawit kay Ivana Alawi sa reklamo ni Dominique "Nikki" Benitez laban sa asawang si Alberto "Albee" Benitez.
Si Albee ay bagong halal na Bacolod City congressman at isang kilalang independent producer ng TV shows.
Kumalat online ang sworn complaint affidavit ni Nikki na umaakusa kay Albee ng "infidelity" o pakikiapid.
Salaysay ni Nikki, dati nang nakarating sa kanya ang bali-balitang may kalaguyo ang mister, ngunit ipinagsawalang-bahala raw niya iyon dahil wala siyang sapat na basehan.
Hanggang sa maghain daw si Albee ng "Petition for Declaration of Nullity of Marriage."
Dito na rin daw nabasa ni Nikki ang pag-amin ni Albee na nagkaroon ito ng dalawang anak sa ibang babae habang sila ay mag-asawa.
Nakasaad din daw sa petition ni Albee ang ani ni Nikki'y "implied admissions of his current illicit relationship with Ivana Alawi."
Sabi pa ni Nikki, dito rin daw niya nakumpirmang mayroong ibang babae ang asawa.
Labis daw nadurog si Nikki at dumanas ng "mental or emotional anguish," dahilan para sampahan ang mister ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262, o Violence Against Women and their Children (VAWC).
Mababasa sa complaint-affidavit ni Nikki (published as is): "While I heard rumors of Respondent's infidelity early on, I had no proof of such facts.
"It was only when I received the Petition for Declaration of Nullity of Marriage filed by Respondent and after reading the admission of Respondent of having fathered two (2) illegitimate children, and his implied admissions of his current illicit relationship with Ivana Alawi, that I was able to confirm his marital infidelity.
"I felt utterly betrayed by the Respondent and was devastated beyond compare after finally discovering and confirming the truth in Respondent's lies."


Read: Misis ni Mayor Albee Benitez itinangging hiwalay na sila
Ivana Alawi’s rumored relationship with Albee Benitez
February 2024 nang magsimulang maugnay sa isa't isa si Ivana at si Albee, na dating Bacolod mayor.
Ito'y matapos nilang maispatang magkasama sa airport sa Japan.
Read: Ivana Alawi spotted in an airport with Mayor Albee Benitez?
Mabilis naman itong itinanggi ni Ivana nang maglabas siya ng pahayag sa kanyang Facebook account noong February 10, 2024.
Napilitan umano siyang magsalita dahil nadadamay ang mga mahal niya sa buhay, partikular na ang ina at nakababatang kapatid na si Mona.
Saad noon ni Ivana: "There are posts and issues involving my name.
"I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama.
"But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay."
Read: Mayor Albee Benitez nali-link sa isang sikat na sexy actress
Diin noon ni Ivana, wala silang espesyal na ugnayan ni Benitez.
Totoo raw na may idine-date siya, ngunit hindi ito politician kundi isang businessman.
Ani Ivana (published as is, caps provided): "This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito.
"HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez.
"I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang siya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan.
"I am currently seeing someone who makes me happy.
"All I can say is that he is a respectable businessman and not a politician."
Read: Ivana Alawi reveals relationship status: "I am seeing someone."
Dagdag pa ni Ivana: "Sana this helps clear my name and clarify all rumors."
Isang araw lamang ang lumipas, sinegundahan ni Albee si Ivana.
Ayon sa politician-businessman, "chance encounter" lamang ang pagkikita nila ni Ivana sa Japan.
Nilinaw rin ng noo'y alkalde na ang pagpunta niya sa Japan ay para sa isang "business trip," gaya ng nakasaad sa official travel order.
Humingi rin noon si Albee ng paumanhin kay Ivana at pamilya nito dahil sa pagkakasangkot nila sa isyu.
Narito ang kabuuang pahayag ni Albee na ibinahagi niya sa kanyang social media account noong February 11, 2024:
"I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order.
"Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.
"I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them.
"Maraming salamat po."

Read: Mayor Benitez: Japan meet-up with Ivana Alawi was chance
Samantala, nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Ivana via Instagram direct message para hingin ang kanyang panig kaugnay ng VAWC complaint laban kay Albee. Wala pang sagot ito.
Hiningan din ng PEP ng pahayag ang PPL, ang talent management ni Ivana. Wala pa ring opisyal na pahayag ang PPL sa ngayon.
Hiningan din ng PEP ng pahayag ang kampo ni Albee.
Agad namin itong ilalathala sa oras na sumagot at magbigay ng pahayag ang mga nabanggit na personalidad.
Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.
