Janella Salvador posts photo of her baby for the first time

by Arniel C. Serato
Jan 5, 2021
Janella Salvador baby
Janella Salvador posts this photo on her Instagram, confirming that she has given birth to her baby with boyfriend Markus Paterson.
PHOTO/S: Courtesy: @superjanella on Instagram

Isa nang ganap na ina si Janella Salvador, 22.

Ito ang kinumprima niya sa kanyang Instagram ngayong hapon ng Martes, January 5.

Nag-post ang aktres ng kanyang larawan habang karga-karga ang isang bata na hindi masyadong maaninag ang mukha.

Sabi ni Janella sa caption, “It’s time. 8 pm. Link in bio.”

RELATED STORY

Ibig sabihin, sa naturang oras magsasalita ang Kapamilya actress tungkol sa panganganak niya sa anak nila ng nobyong si Markus Paterson.

Ikinatuwa naman ito ng ilang mga kaibigan sa showbiz ni Janella tulad nina Kathryn Bernardo, Alexa Ilacad, Alex Gonzaga, Michelle Vito, at iba pa.

janella salvador celebrity friends including kathryn bernardo and alex gonzaga comments on her instagram post

Continue reading below ↓

May kahalintulad ding post sa kanyang Instagram account si Markus.

Ipinost niya ang kamay ng anak na nakadikit sa kanyang hintuturo, at nilagyan niya rin ito ng caption na “8pm, link in bio.”

View this post on Instagram

A post shared by markus (@markus)

JANELLA salvador GAVE BIRTH IN OCTOBER

September 2020 nang umingay ang balitang nagdadalantao daw si Janella.

Ang napababalita niyang boyfriend na si Markus daw ang ama.

Lalo pang uminit ang usapin dahil sa paglipad ni Janella at inang si Jenine Desiderio sa United Kingdom, ang home country ni Markus.

Naiulat din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na Oktubre 2020 daw ang kabuwanan ni Janella.

October 21, 2020, umusok ang balitang nanganak na ang aktres.

Kasunod ito ng mga post ni Markus sa kanyang Instagram Stories ng mga larawan ng bagong silang na sanggol.

Mula noong napabalita ang pagdadalantao ng dalaga, naging tikom ang bibig ng kanilang kampo pati na mismo sina Janella, Markus, at Janine.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador posts this photo on her Instagram, confirming that she has given birth to her baby with boyfriend Markus Paterson.
PHOTO/S: Courtesy: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results