Ipinagtanggol ni Javi Benitez ang girlfriend na si Sue Ramirez laban sa isang netizen na iniugnay ang pangalan nito sa isang blind item na lumabas daw rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Sa kanyang Instagram kagabi, January 23, nag-post si Sue ng larawan kung saan ang suot niya ay isang seksing-seksing two-piece swimsuit.
Sabi niya sa caption, “What do you want to dream about tonight?”
View this post on Instagram
Maraming followers ni Sue ang pumuri sa kanyang kaseksihan.
Pero may dalawang nakalusot na negatibo ang komento laban sa kanya.
Sabi ng unang basher, “@sueannadoodles blind item Ka sa @pepalerts , Kabit Ka daw ni @ianveneracion …”

Hindi naman ito sinagot ni Sue at ni Javi.
Isa pang netizen ang nagkomento sa post ni Sue. Naka-tag pa dito si Javi.
Sabi niya, "@sueannadoodles kamusta secret relationship nyo ni @ianveneracion1? @javibenitezzz”

Dinepensahan kaagad ni Javi ang nobya. Hindi raw ganung klaseng babae si Sue.
Hindi rin daw starlet ang nobya.
Sabi niya, “hindi starlet si Sue at hindi siya ganyang babae.
“Mali hula niyo kaya itigil niyo na yan.”

Wala nang iba pang komentong sinagot sina Javi maski si Sue.
“SEALING 2020 WITH A KISS”
Noong June 2020 naging hayagan na sa social media ang pagpapakita ng dalawa ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.
Pero, wala silang opisyal na pag-amin.
Parehong taga-Negros Occidental ang dalawa.
Sa Victorias ang bayan ni Javi, habang sa Sipalay, sa kabilang dulo ng probinsiya, ang bayan naman ni Sue.
Kaya madali silang nagkapagpalagayang-loob.
Nitong January 1, 2021 lamang, nag-post si Sue ng kissing photo nila ni Javi.
Sabi niya, “Sealing 2020 with a kiss. Happy 2021, everybody!
“Hoping for a better year ahead!”
View this post on Instagram
Komento ni Javi, “Happy new year babe! Love you!”

Wala mang opisyal na pagkumpirma ng kanilang relasyon, halata naman sa kanilang posts sa larawang ito na magkasintahan na nga ang dalawa.
