Did Sue Ramirez and Javi Benitez confirm their relationship via Instagram?

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2020
Sue Ramirez and rumored boyfriend Javi Benitez express their love for each other through their Instagram posts.
PHOTO/S: Courtesy: @sueannadoodles / @javibenitezzz on Instagram

Kinilig ang mga celebrity friends at followers ni Sue Ramirez, 23, nang mag-post ang aktres sa Instagram ng larawan nila ng rumored boyfriend na si Javi Benitez, 25.

Nakasulat sa caption ni Sue kahapon, June 2: “Miss making spam sandwiches with you.”

Ito na marahil ang sagot sa maraming tanong ng netizens kung may relasyon na sila ng baguhang aktor.

Continue reading below ↓

Tumugon naman si Javi sa post ni Sue.

Komento niya: “Miss you bb. can't wait to cook with you again.”

Sa comments section, naghayag ng pagsang-ayon sa post ni Sue ang mga kaibigan niyang celebrities.

Kabilang sa mga nagkomento sina Liza Soberano, Barbie Imperial, Daniel Matsunaga, MJ Lastimosa, Awra Briguela, Klarisse de Guzman, Arci Muñoz, Alora Sasam, Chie Filomeno, at Paolo Paraiso.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JAVI: "GUINA HIGUGMA TA GUID KA"

Ngayong Miyerkules, June 3, si Javi naman ang naghayag ng kanyang nararamdaman para kay Sue.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post ang anak ni dating Negros Occidental Representative Albee Benitez ng larawan nila ng Kapamilya actress.

Sabi niya sa caption: “Guina higugma ta guid ka, Inday Sue [Mahal talaga kita, Inday Sue].”

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Sue sa post ni Javi.

Aniya: "Palangga palangga gid, Toto Jav! [Mahal na mahal kita Jav!]"

"CAN I CALL YOU?"

Noong February 24, nag-post si Javi ng larawan nila ni Sue na kuha sa isang beach getaway nila.

Nakalagay sa kanyang caption: “Can I call you sometime?”

Continue reading below ↓

Simula noon, lumakas na ang usap-usapan tungkol sa pagkakamabutihan nila.

August 2019, kinumpirma ni Sue na hiwalay na sila ng dating nobyo na si Joao Constancia ng BoybandPH.

Malabo man ang kanyang paliwanag tungkol sa kanilang hiwalayan, ang malinaw lamang na dahilan ay meron daw silang “maraming differences.”

Sa guest appearance naman ng aktres sa Tonight With Boy Abunda noong September 2019, sinabi ni Sue na nais nila ni Joao na mag-work ang kanilang relasyon pero hindi daw ito nangyari.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Marami kaming bagay na hindi napagkakasunduan.

“We really wanted it to work, pero pag hindi po talaga, hindi po talaga.”

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez and rumored boyfriend Javi Benitez express their love for each other through their Instagram posts.
PHOTO/S: Courtesy: @sueannadoodles / @javibenitezzz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results