Mukhang hindi napanindigan nina JK Labajo at Maureen Wroblewitz na mapanatili ang kanilang pagkakaibigan kahit sila ay hiwalay na.
Mapapansin sa kanilang Instagram following na pareho na nilang hindi pina-follow ang isa’t isa.


Hindi malinaw kung kailan nila in-unfollow ang isa’t isa.
Pero sa panayam sa singer na si JK noon lamang October 20, 2022, sinabi niyang napanatili nila ng ex-girlfriend na si Maureen ang kanilang communication at pakikipagkaibigan.
Ani JK, "Yes, we're on good terms. We're good. Friendship, that's important.
"Parte siya ng buhay at nakaraan ko. She's always gonna be there."
Read: JK Labajo on breakup with Maureen Wroblewitz: "No regret. We're good. Friendship, that's important."
Ikinagulat naman ng netizens ang post ni Maureen sa Instagram Story nitong nakaraang linggo. kung saan ibinahagi niya ang dalawang video kasama ang isang lalake.
Hinala ng netizens, ang naturang lalake ang bagong nagpapatibok sa puso ni Maureen dahil sa isang video ay tila magkayakap sila sa iisang duyan habang nakatambay sa dalampasigan sa Siargao.
Hindi kita ang kanilang mga mukha dahil nakatalikod sila sa kamera, pero mahihinuhang si Maureen ito at ang hinihinalang bago niyang nobyo.
Sa kasunod na video ay makikita namang nakaharap na sila pareho habang nagpapa-acupuncture, at kitang-kita ang kaguwapuhan ng lalake na hinihinalang ito rin ang katabi ni Maureen sa duyan.
Pinaghihinalaan naman ng netizens na ang cryptic post ni JK na selfie niya kayakap ang alagang pusa ay para sa ex-girlfriend.
Read: JK Labajo posts cryptic message after ex-girlfriend Maureen Wroblewitz flexes new boyfriend
Sa panayam pa rin kay JK noong October 20, sinabi niyang "mature individuals" sila ni Maureen kaya wala siyang magagawa kung may bago nang boyfriend ang ex-girlfriend.
Sabi ni JK, "Of course, that's her life, that's her decision to make. I mean, we're mature individuals."
June 10, 2022, tinuldukan nina JK at Maureen ang kanilang relasyon.
Base sa kani-kanilang mensahe sa Instagram noon, mukhang maayos ang kanilang naging hiwalayan ngunit hindi nila idinetalye kung ano ang dahilan.
Ayon sa dalawa, para ito sa kanilang "personal growth" dahil mga bata pa sila. Si JK ay 21 lamang at si Maureen ay 23 lamang noon.
