Watch Now

John Lloyd Cruz spotted anew with artist Isabel Santos; are they an item?

Dec 7, 2021
John Lloyd Cruz and Isabel Santos
Actor John Lloyd Cruz is accompanied by artist Isabel Santos during the Christmas party (inset) of Crown Talent Management. Few days ago, Isabel posted a photo of John Lloyd taken at an art gallery in Makati City.
PHOTO/S: @crownartistmgmt / @iamchaenriquez / @somethingstarwars Instagram

Palaisipan pa rin kung ano ang ugnayan sa pagitan ni John Lloyd Cruz at ng artist na si Isabel Santos.

Noong Lunes ng gabi, December 6, namataan ang dalawa sa Christimas party ng Crown Artist Management na kinabibilangan ni John Lloyd.

Ginanap iyon sa isang music studio/lounge sa Uptown Bonifacio sa Taguig City.

John Lloyd Cruz and Isabel Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Crown Artist Management ay talent management company na co-owned ni Maja Salvador, nobyong si Rambo Nuñez, at ina ni Rambo na si Marilen Nuñez.

Crown Artist Management, John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Rambo Nunez

Sa group photo, makikitang nakaakbay si John Lloyd kay Isabel. Nakasuot ng cap ang aktor.

John Lloyd Cruz and Isabel Santos at Crown Artist Management party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maiwasang makaagaw ito ng pansin lalo pa't consistent na nagkakasama ang dalawa.

ISABEL'S INSTAGRAM POSTS

Noong December 3, nag-post sa Instagram si Isabel ng dalawang litrato ni John Lloyd na nakasingit sa ibang pictures na kuha sa pamamasyal nila sa dalawang art exhibition.

May picture na nakaharap si John Lloyd at nakatingin sa gawi ng art piece na nasa ibabaw ng malaking circular glass table.

Nakasuot ng face mask si John Lloyd pero makikilala pa rin ang aktor. Naka-tag na location ang Silverlens Galleries sa Makati City.

John Lloyd Cruz on Isabel Santos's Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang picture ay nakatalikod naman si John Lloyd habang nakatingin sa paintings. Kuha iyon sa Finale Art File na isa ring art gallery sa Makati.

Noong November 10, una nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga nauna pang litrato ni John Lloyd na ipinost din ni Isabel sa Instagram.

Isa rito ay hinihinalang kuha sa bahay ng aktor noong September.

John Lloyd Cruz and Isabel Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kadalasan ay nakatalikod si John Lloyd sa pictures ni Isabel.

Pero may isang pagkakataong kita ang mukha ni John Lloyd sa Instagram Story ng dalagang artist.

Makikita roon na kasama ni John Lloyd sa loob ng sasakyan ang dalawang alagang aso ni Isabel.

Isabel Santos and John Lloyd Cruz

Noong June 13, may post si John Lloyd kung saan makikita ang painting na gawa ni Isabel at ina nitong si Mona Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isabel Santos painting

WHO IS ISABEL SANTOS?

Ang mga magulang ni Isabel na sina Soler at Mona Santos ay mga respetadong contemporary Filipino artists.

Si Soler ay anak ng yumaong award-winning painter at cartoonist na si Mauro Malang Santos.

Sa ulat ng Preview noong 2019, nakasaad na nakapag-exhibit na si Isabel ng kanyang art pieces sa New York, Germany, at France.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanalo siya ng grand prize sa isang global shirt design competition na may temang "Draw Your World" at ka-partner ng brand ng shirt na iyon ang The Museum of Modern Art (MOMA) sa New York.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor John Lloyd Cruz is accompanied by artist Isabel Santos during the Christmas party (inset) of Crown Talent Management. Few days ago, Isabel posted a photo of John Lloyd taken at an art gallery in Makati City.
PHOTO/S: @crownartistmgmt / @iamchaenriquez / @somethingstarwars Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results