Jomari Yllana on ex-partner Joy Reyes: "Mag-i-invite siya ng mga tao sa bahay, magkukulong sila dun sa kuwarto."

by Arniel C. Serato
Jan 20, 2021
Jomari Yllana Joy Reyes male friends
Jomari Yllana accuses ex-partner Joy Reyes of inviting male friends to the house which he pays for: "So, kung nagla-lock 'yan ng kuwarto, palalabasin yung mga anak ko at magkukulong sa kuwarto, e, kaya naman pala ganyan kamahal ang bill ko, e. Ginawa palang motel yung bahay ng mga anak ko.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Posibleng naibalik na ang serbisyo ng kuryente sa bahay ni Joy Reyes, ang dating live-in partner ni Jomari Yllana.

Tumawag mismo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jomari kahapon, January 19, upang ipaalam na napagkasunduan nila ng Meralco ang staggered payment sa lagpas sa P100,000 electricity bill ng dating karelasyon.

Noong January 15 ay nag-post sa social media si Joy upang akusahan si Jomari ng pagpapabaya umano sa kanilang dalawang maliliit na anak.

Kalakip nito ang Meralco bill na hindi pa nababayaran, at ang video ng dalawang bata na magkatabing natutulog sa loob ng madilim na bahay.

Idinaan daw ni Joy sa social media ang kanyang hinaing dahil pinutol na umano ni Jomari ang komunikasyon sa pagitan nila.

Paratang pa ni Joy, hindi umano ginagampanan ni Jomari ang tungkulin nito bilang ama ng kanilang dalawang anak na lalaki.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph sa konsehal ng first district ng Parañaque noong Lunes, January 18, sinabi nitong hindi siya makapaniwala sa laki ng electric bill sa bahay kung saan nakatira si Joy at ang kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

May halong birong sabi ni Jomari, “And kung bakit ako hindi naniniwala na naputulan ng kuryente sa ganun kalaking halaga, baka naman nagpapa-jumper na siya o nagpapa-spider na siya sa mga kapitbahay niya?

“Baka sinisingil na niya ng kuryente yung mga kapitbahay namin?

“At pinagkakakitaan niya? Tulad nung pinapadala kong vitamins at gatas sa mga anak ko.”

Nauna nang sinabi ni Jomari na ibinebenta diumano ni Joy online ang mga gatas at bitaminang ipinadadala niya.

May hawak daw silang proof of purchase bilang ebidensiya.

Nagpahiwatig din ang actor-politician na gagawa siya ng "legal action" kapag hindi umano tumigil si Joy.

“You know, all of this has to stop.

“And I will take legal action and I will try to get the kids.

“All necessarily legal actions because that house, hindi na healthy ang environment for my children.”

WHAT HAPPENS IN THE HOUSE

Ipinaliwanag ni Jomari ang sinabi niyang hindi na “healthy environment” ang bahay na binabayaran pa rin niya hanggang ngayon para sa dalawang anak nila ni Joy.

Continue reading below ↓

Ipinararating daw sa kanya ng mga yaya ng kanyang mga anak ang mga nangyayari.

Siya raw kasi ang nagpapasuweldo sa mga yaya kaya nasa kanya ang loyalty ng mga ito.

Aniya, “Ang mga yaya ko, ang mga yaya nung babies, I pay for them, so their loyalty sa akin.

“And what they are saying, everything that happens in that house, nire-report nila to me."

Isa raw sa natuklasan niya ay ang pag-iimbita umano ni Joy ng mga lalaki sa bahay at "magkukulong sila dun sa kuwarto."

Kabilang daw rito ang tatlong male celebrities.

Sabi ni Jomari, “Now, tamaan na yung dapat tamaan, masaktan na yung dapat masaktan, pero I have to ano, also...

"I have to be open na ang style niya is, mag-i-invite siya ng mga tao sa bahay, magkukulong sila dun sa kuwarto.

“And ang kuwento sa akin nung mga yaya ay magkukulong siya dun sa kuwarto kasama yung mga iniimbita niyang lalaki.

Continue reading below ↓

“And nire-report sa akin 'yan, masakit. And this I have to take to court.

“Ang sa akin lang, magalit na yung gustong magalit dapat, e, ako nagsasabi lang naman ako ng totoo."

Pagbubunyag pa niya, “There are celebrity figures that visit that house."

May sworn statement daw ang mga yaya at litrato na magpapatunay nito.

"Sworn statement nila kung ano ang nangyayari dun and everything that happens in that house.

“They report to me through a narration and their signature. May picture pa.”

Binanggit ni Jomari ang mga apelyido ng tatlong kilalang aktor na bumisita raw sa bahay na binili niya para sa dating karelasyon at kanilang mga anak.

Isa ay isang dating matinee idol, isa ay isang versatile actor, at isang kasabayan niya sa showbiz.

Dagdag pa niya, “And there is a barangay captain also who goes there and stays there.”

Suspetsa pa ni Jomari, ito ang dahilan kung bakit lumobo ang bill ng kuryente sa bahay ni Joy.

Continue reading below ↓

Aniya, “So, kung nagla-lock 'yan ng kuwarto, palalabasin yung mga anak ko at magkukulong sa kuwarto, e, kaya naman pala ganyan kamahal ang bill ko, e.

“Ginawa palang motel yung bahay ng mga anak ko.”

Sa tingin niya, ano ang ginagawa nila sa loob ng kuwarto?

Natatawang sagot ni Jomari, “Puwede siguro nating panoorin yung CCTV!

"I’ll have to ask my yayas kung naka-on yung CCTV.”

Nagpaabot na ng mensahe ang PEP.ph sa kampo ni Joy Reyes upang kunin ang kanyang panig sa alegasyong ito ni Jomari Yllana, ngunit wala pa siyang tugon.

Kaagad naming ilalathala ang kanyang sagot kapag natanggap na namin ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana accuses ex-partner Joy Reyes of inviting male friends to the house which he pays for: "So, kung nagla-lock 'yan ng kuwarto, palalabasin yung mga anak ko at magkukulong sa kuwarto, e, kaya naman pala ganyan kamahal ang bill ko, e. Ginawa palang motel yung bahay ng mga anak ko.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results