Watch Now

Juancho Trivino reveals short-lived stint at BPO company to support his family

by Rachelle Siazon
Aug 2, 2021
Kapuso star Juancho Trivino on his short-lived day job amid lack of work due to pandemic: "They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nag tagal (but thats another story)."
PHOTO/S: @juanchotrivino Instagram

Inamin ni Juancho Trivino, 28, na isa siya sa nag-alala kung paano kikita ng pera noong unang bugso ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Apektado ang entertainment industry dahil mahigpit noong ipinagbawal ang tapings at live shows para iwasan ang mass gathering.

Isa si Juancho sa mainstays ng Unang Hirit, ang early morning news and public affairs show sa GMA-7. Pero tila pansamantalang nawala roon si Juancho dahil sa pandemya.

Ang huli niyang teleserye ay Madrasta, na umere mula October 2019 hanggang February 2020.

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, August 1, isiniwalat ni Juancho na nag-apply siya sa ilang kumpanya hanggang sa natanggap siya bilang project manager sa isang BPO (business process outsourcing) company.

"A lot of you might not know, but last year during the height of the pandemic last year, when we had no work (tapings, digital stuff and businesses) I got a job in a BPO company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I actually did send out my resume to a couple of companies that was hiring during that time.

"It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did."

Malaki raw ang naitulong ng suweldo niya para sa expenses ng kanyang pamilya.

Aniya, "They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nag tagal (but thats another story)."

IG Post: Juancho Trivino on working at BPO company

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita pa ni Juancho ang ilang litrato ng pinasukan niyang opisina sa Makati, pati na ang binili niyang office bag noon.

Juancho Trivino at Makati office

Noong January 2021 nagtapos si Juancho ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship sa De La Salle University matapos ang labindalawang taong pag-aaral dahil isinabay niya ito sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong buwang ding iyon ay nag-franchise siya ng isang food stall kunsaan kasosyo niya ang kanyang kapatid.

JOYCE PRING'S REPLY

Samantala, nag-reply sa comments section ang misis ng aktor na si Joyce Pring at ipinagmalaki ang sipag ni Juancho bilang padre de pamilya.

Ani Joyce, "You work hard for our family, my love. so proud of you always [blowing kiss emoji]."

"Thank you my number one fan," sagot ni Juancho.

IG Comment: Joyce Pring proud of Juancho Trivino perseverance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal si Juancho sa kapwa Kapuso star na si Joyce noong February 9, 2020.

Isinilang ang kanilang anak nitong July 2021.

CELEBRITY REACTIONS

May ilang kasamahan sa industriya ang nagpaabot ng mensahe kay Juancho.

Sabi ni Kris Bernal, "Proudh of you Kuya Bruth, mayalo na thalagaaa narathing moohh.."

Instagram: Kris Bernal replies to Juancho Trivino post

Ang Unang Hirit co-host na si Suzi Entrata-Abrera ay humirit ng "Bitin yung kwento!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Juancho, "abangan sa pagbabalik ng unang hiritttt heheheh."

Instagram: Suzi Entrata-Abrera replies to Juancho Trivino post

Naglagay ng hands up emojis ang comedian na si Boobay.

Reply ni Juancho, "stand by."

Clapping emojis din ang mensahe ni Dianne Medina.

Instagram: comedian Boobay and Dianne Medina replies to Juancho Trivino post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang non-showbiz friend ni Juancho ang nagsabing, "Nakakabilib ka, Juancho!"

Sagot ni Juancho, "thanks kuya, Got to do whats best for the fam."

Instagram: Juancho non showbiz friend shows admiration

Malapit nang magbalik sa pag-arte si Juancho dahil dumalo siya sa story conference para sa upcoming Kapuso series na Little Princess, na pagbibidahan ni Jo Berry.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Juancho Trivino on his short-lived day job amid lack of work due to pandemic: "They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nag tagal (but thats another story)."
PHOTO/S: @juanchotrivino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results