Hindi pa rin maka-move on ang maraming netizens sa nangyaring blooper ni Karen Davila sa live broadcast ng TV Patrol Martes ng gabi, February 10, 2026.
Imbes kasi na ang field reporter nilang si Karen de Guzman ang kanyang ipakilala bilang nagbuo ng balita tungkol sa hulidap, ang sarili niyang pangalan ang binanggit ni Karen Davila.
Bahagi ng kanyang spiel: "Nagpa-Patrol, Karen Davila. Ay, Karen de Guzman!"
Humingi naman kaagad ng dispensa ang veteran broadcaster kay De Guzman sa pamamagitan ng X (dating Twitter) habang naka-commercial break ang programa.
Aniya, "OMG… ay… Karen De Guzman! Apologies #TVPatrol"
Read: Karen Davila apologizes for “Nagpa-Patrol, Karen Davila” blooper
KAREN DE GUZMAN'S POST
Sa kanyang X account, nagbahagi ng clip si Karen de Guzman ng mga nakaraang live interaction nila ni Karen Davila sa TV Patrol at sa ABS-CBN News Channel.
Sa huling bahagi ng clips, mapapanood ang pagkakamaling pagbanggit ng news anchor sa kanyang sarili kahit si De Guzman ang tinutukoy nito.
Caption ni De Guzman: "Karen-to-Karen during live news reports
"Buti na lang talaga, hindi na po need i-mention ang surname after lead in haha. Forever a fan of Ms. @iamkarendavila!"
Komento ng isang netizen: "Hahahah! That was so funny! Ang simple lang, pero nakakatawa! Sobra!!!"

Sabi ng isa: "Hahaha but despite that mistake on mentioning your name, I am sure it built more closeness between you and all of the news anchors"

Read: Izzy Trazona bares recent convo with trans child Sofia
Maris Racal reacts
Pati ang aktres si Maris Racal ay nag-react sa blooper ni Karen.
Sabi niya sa caption ng viral clip: "very basha siya dito. ako nalang ulit."
Ang tinutukoy ni Maris na "Basha" ay ang role ni Bea Alonzo sa iconic Once More Chance film nila ni John Lloyd Cruz noong 2007.
Dito naging bukambibibig ang linya ni Basha na, "Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit."
@famouslinesofc "Ako na lang. Ako na lang ulit." - Bea Alonzo as Basha, 2007 #onemorechance #beaalonzo #bashaeugenio #basha #bealloyd #movie #movielines #famouslines #famouslinesofc ? original sound - FAMOUS LINES
Nakakatuwang komento tuloy ng isang netizen, "yung ganado ka magbalita ayaw mo na magpahalili"
