PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katy Perry notices Jayda Avanzado's "Thinking of You" cover

Jayda to Katy: "I really appreciate you acknowledging my cover."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 2 days ago
Katy Perry notices Jayda Avanzado's "Thinking of You" cover
Jayda Avanzado (right) turns emotional after award-winning American singer Katy Perry (left) notices and praises her viral “Thinking of You” cover.
PHOTO/S: Katy Perry/Jayda Avanzado on Instagram

Naging emosyunal ang singer-actress na si Jayda Avanzado nang mapansin ng award-winning American singer na si Katy Perry ang kanyang “Thinking of You” cover.

Noong April 22, 2026, in-upload ni Jayda sa TikTok, Facebook, at Instagram ang video ng kanyang cover ng “Thinking of You” ni Katy.

Read: Jayda Avanzado grateful as "Thinking of You" cover hits 10M views

Bagamat umani ito ng samu’t saring batikos—na ayon sa ilan ay “mahangin” at “agaw-buhay” ang istilo ng pagkanta ni Jayda—napansin at pinuri naman ito ni Katy.

Sa TikTok, nagkomento si Katy sa cover ni Jayda.

Mensahe ng American singer-songwriter: "When I'm listening to my version of 'Thinking of You,' I am thinking of your version of Thinking of You."

Katy Perry notices Jayda Avanzado's
Photo/s: Screengrab Jayda Avanzado on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito pinalampas ni Jayda at agad siyang gumawa ng video upang pasalamatan ang American singer.

Read: Jayda Avanzado not on speaking terms with Francine Diaz

Emosyunal na pahayag ng nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado: “There’s no way! Oh my gosh, I just woke up and I already wanna cry.”

Ayon sa dalaga, malaking bagay sa kanya ang natanggap na papuri mula kay Katy, lalo na’t isa umano ito sa kanyang iniidolo sa pagkanta.

"Katy, you don’t know how much it means to me.

"Thank you so much. I really appreciate you acknowledging my cover.

"You’re one of my biggest influences ever—as an artist and as a vocalist.

"It means the world to me, so thank you!" saad ni Jayda.

Read: Ron Angeles says he has moved on from controversial video scandal

JAYDA'S VIRAL "THINKING OF YOU" COVER

Nauna nang nagpasalamat sa publiko si Jayda noong May 1, nang tumabo sa mahigit 10 million views sa iba’t ibang social media platforms ang cover niya ng "Thinking of You."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na natanggap niya dahil sa istilo ng kanyang pagkanta.

Komento kasi ng isang netizen sa TikTok, "Thinking of you pala to, akala ko breathless."

Saad ng isa, "Emotional ang intention pero agaw buhay ang dating."

Hirit pa ng isa, "Sabing mag-nebulizer muna bago kumanta e."

Sabi naman ng isa, "Kaya pala ang init sister, kinuha mo lahat ng hangin."

"Yung gusto mo lang naman kumanta pero may asthma ka haha," dagdag na pang-aasar pa ng isa.

Pagpuna ng isa, "Sorry pero ang pangit ng dating, imbes na mag-relapse ako nag-move on na lang ako agad."

Ayon kay Jayda, hindi niya inaasahang aabot sa 10.8 million views ang kanyang cover.

Mababasa sa kanyang caption sa Facebook (published as is), "Thank you for 10.8 million views across all platforms for 'tHinking of you'!!"

Tila pinatulan din ni Jayda ang mga bumabatikos sa kanya matapos niyang palitan ang kanyang TikTok display photo ng larawang nakasuot siya ng nebulizer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Jayda Avanzado remains grateful as Thinking of You cover hits 10M views amid critics
Photo/s: Screengrab Jayda Avanzado on TikTok

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jayda Avanzado (right) turns emotional after award-winning American singer Katy Perry (left) notices and praises her viral “Thinking of You” cover.
PHOTO/S: Katy Perry/Jayda Avanzado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results