PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jayda Avanzado grateful as "Thinking of You" cover hits 10M views

Netizen: "Sabing mag-nebulizer muna bago kumanta, e."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 2 days ago
Jayda Avanzado remains grateful as Thinking of You cover hits 10M views amid critics
Jayda Avanzado expresses gratitude after her "Thinking of You” cover surpasses 10 million views across platforms despite online criticism.
PHOTO/S: Jayda Avanzado on TikTok

Labis ang pasasalamat ng singer-actress na si Jayda Avanzado matapos umabot sa mahigit 10 million views sa iba’t ibang social media platforms ang cover niya ng kantang "Thinking of You" ni Katy Perry.

Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na natanggap niya dahil sa istilo ng kanyang pagkanta.

Read: Jayda Avanzado not on speaking terms with Francine Diaz

Noong April 22, 2026, in-upload ni Jayda sa TikTok, Facebook, at Instagram ang video ng kanyang cover ng sikat na kantang "Thinking of You."

Jayda Avanzado grateful as Thinking of You cover hits 10M views
Photo/s: Screengrab Jayda Avanzado on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS’ REACTION TO JAYDA’S COVER SONG

Bagamat halos isang minuto lamang ang video, dahil chorus lang ang kanyang kinanta, umani ito ng samu’t saring komento mula sa netizens.

Marami ang kumuwestiyon at bumatikos sa anila’y “mahanging” paraan ng pagkanta ng nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Read: Jay Sonza lawyer, kuwinestiyon kung bakit non-bailable ang kaso

Komento ng isang netizen sa TikTok, "Thinking of you pala to, akala ko breathless."

Saad ng isa, "Emotional ang intention pero agaw buhay ang dating."

Hirit pa ng isa, "Sabing mag-nebulizer muna bago kumanta e."

Sabi naman ng isa, "Kaya pala ang init sister, kinuha mo lahat ng hangin."

"Yung gusto mo lang naman kumanta pero may asthma ka haha," dagdag na pang-aasar pa ng isa.

Pagpuna ng isa, "Sorry pero ang pangit ng dating, imbes na mag-relapse ako nag-move on na lang ako agad."

Jayda Avanzado remains grateful as Thinking of You cover hits 10M views amid critics
Photo/s: Screengrab Jayda Avanzado on TikTok
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Jayda Avanzado remains grateful as Thinking of You cover hits 10M views amid critics
Photo/s: Screengrab Jayda Avanzado on TikTok


JAYDA RELEASES FULL VERSION OF HER COVER

Mukhang agad namang nakarating kay Jayda ang samu’t saring reaksiyon tungkol sa kanyang cover song.

Noong April 29, in-upload niya ang full version ng kanyang cover, kalakip ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta rito.

Read: Mark Alcala shares photo featuring Kathryn Bernardo’s dog

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jayda, hindi niya inaasahang aabot sa 10.8 million views ang kanyang cover.

Mababasa sa kanyang caption sa Facebook (published as is), "Thank you for 10.8 million views across all platforms for 'tHinking of you'!!"

Tila pinatulan din ni Jayda ang mga bumabatikos sa kanya matapos niyang palitan ang kanyang TikTok display photo ng larawang nakasuot siya ng nebulizer.

Jayda Avanzado remains grateful as Thinking of You cover hits 10M views amid critics
Photo/s: Screengrab Jayda Avanzado on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang 5.1 million views sa TikTok at 6.9 million views sa Instagram ang viral niyang video.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jayda Avanzado expresses gratitude after her "Thinking of You” cover surpasses 10 million views across platforms despite online criticism.
PHOTO/S: Jayda Avanzado on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results