Labis ang pagdadalamhati ngayon ng singer-actor na si Kean Cipriano sa pagpanaw ng kanyang ina na si Chona Cipriano.
Sa Instagram nitong Lunes, April 7, 2025, ipinost ni Kean ang ilang litrato nila ng kanyang ina.
Kalakip nito ang pagbabahagi ng kanyang saloobin sa pagpanaw ng pinakamamahal na ina.
Mababasa sa caption ng post ni Kean (published as is): "Napakasakit. Napakabilis ng mga pangyayare. Nakakatakot. Nakakayanig.
"Napakasakit na makita kang nahihirapan. Hindi mo deserve yon. I’m so sorry you had to go through that pain.
"Sobra akong nalulungkot dahil deserve mo pang mas makilala ang sarili mo at maexperience pa ang beauty ng buhay kasama ng mga taong mahal mo. Pero payapa ako na tapos na ang paghihirap."
Hindi binanggit ni Kean kung ano ang naging sakit ng kanyang ina.
In his Instagram post on April 7, 2025, the former Callalily frontman penned a heart-wrenching tribute to his mom and how he is dealing with his grief.
Nawala man sa mundo ang kanyang Mommy Chona, ang pagmamahal at alaala raw nito ay mananatiling buhay kay Kean, maging sa mga taong nagawan nito ng kabutihan.
Saad ng former Callalily frontman: "Alam kong nagpaparamdam ka sa mga kanta. Nararamdaman kita sa hangin.
"Yung pagmamahal na binigay mo sa lahat ng taong naging parte ng buhay mo, ay naibuhos samin nitong mga nakaraang araw.
"Ang daming nagmamahal sayo, Mommy. Pare-pareho sila ng sinasabi : “napakabait ng Mommy nyo. Napakabuti ng puso. Walang masamang tinapay.""
Read: Kean Cipriano remains estranged from Callalily bandmates
KEAN HEARTBROKEN OVER mother'S DEATH
Pinasalamatan din ni Kean ang kanyang ina sa buhay na ibinigay nito at sa pag-aaruga nito sa kanya.
Ngayong wala na ito, sobrang mami-miss daw ni Kean ang boses, yakap, at halik ng kanyang ina.
Maging ang mga paalala nito sa kanya tuwing siya ay nasosobrahan daw sa pagtatrabaho.
Ani Kean (published as is): "Nagpapasalamat ako na nakasama kita sa buhay na to Mommy, @chonacipriano. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa lahat lahat.
"Sobrang mamimiss kita. Sobra. Yung ngiti mo. Yung boses at tawa mo, yung mga yakap at halik.
"Mamimiss ko yung palagi mong sinasabi sakin na “Kean, wag ka masyado magpastress sa work ha. Relax ka lang.”
"Sobrang wasak puso ko ngayon, Mommy. Hindi ko parin matanggap.
"Magsisimula ako na mabuhay ng wala ka. Ang bigat. Ang lungkot. Pero yung pagmamahal mo ang dadalhin ko para umusad."
Chynna Ortaleza remembers IN-LAWS
Ang misis ni Kean na si Chynna Ortaleza ay nagpahayag din ng pangungulila sa pagpanaw ng kanyang biyenan.
Sa Instagram ngayong Martes, April 8, ipinost ni Chynna ang litrato ng ina at ama ni Kean kalakip ang caption na ito (published as is): “Nagising ako na payapa.
“Pakiramdam na hindi mapagkakaila.
“Wala ng problema.. Kami ay magkasama. Edgie at Chona."
Ang "Edgie" na binanggit ni Chynna ay ang ama ni Kean na sumakabilang-buhay noong 2016 dahil sa cardiac arrest.
Read: Chynna Ortaleza speaks up about husband Kean Cipriano "disengaging" from Callalily band
MESSAGES FROM CELEBRITY FRIENDS
Samantala, sa comments section ng post nina Kean at Chynna ay bumuhos ang pakikiramay mula sa kanilang mga kaibigan, co-celebrities, at fans.
Kabilang sa mga nagkomento sina Vhong Navarro, Yeng Constantino, John Prats, Kaye Abad, Coney Reyes, Dianne Medina, Iza Calzado, at Jake Cuenca.



