Nadawit ang pangalan ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Klaro namang mistaken identity ang pagdawit sa pangalan ni Kylie sa isyung pinagdadaanan ngayon nina Kylie Padilla at Aljur.
Pero ang “pagkakamaling” ito ay sinakyan ng maraming netizens at ginawang katuwaan.
Sa katunayan, sunud-sunod ang comments ng netizens sa Instagram account ng beauty queen-turned-actress dahil magkatukayo sila ni Kylie Padilla.
Kontrobersiyal ngayon si Aljur dahil sa akusasyon nitong ang estranged wife niyang si Kylie Padilla ang una umanong nagtaksil.
Si Robin Padilla ang kumumpirma noong July 2021 na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie at si Aljur.
Ani Robin, third party sa panig ni Aljur ang dahilan.
Eventually, ibinunyag naman ni Kylie Padilla na April 2021 ay nagkasundo na sila ni Aljur na wakasan ang kanilang pagsasama.
KYLIE VERZOSA QUIPS, "BAKIT AKO?"
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kylie Verzosa ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Senyora, isang satirical social media character.
Via Instagram direct messaging, ipinadala kay Kylie Verzosa ang quote ni Aljur na hinihimok si Kylie Padilla na aminin kung sino sa kanila ang unang nangaliwa.
Mensahe ng social media character sa Miss International 2016 titleholder, “Hoy Kylie sabihin mo raw samin!”
Sumagot si Kylie: “Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?”
Ipinost ito ni Senyora sa kanyang Instagram account at ni-repost naman ni Kylie Verzosa sa kanyang IG.
Reklamo ng beauty queen, “sabog nanaman notification ko” dahil dito.
Sa sumunod niyang repost ay dinagdagan pa ito ni Kylie Verzosa ng caption na “Wala sakin ang sagot”
At gumamit ng laughing with tears emojis na indikasyong natawa siya sa pagdawit sa kanya sa isyu.

Sa latest Instagram post ni Kylie, sumakay sa biruan ang netizens.
Hinihimok nila ang beauty queen na magsalita, bagamat para talaga kay Kylie Padilla ang kanyang panghihimok.
“Sana iaddress mo din yung accusations ni aljur. Break your silence too!” sabi ng isa.
“Bat kaba nag cheat kay Aljur Kylie,” sabi naman ng isa pa.
“Kylie, Umamin kana po.. Nag salita na si Aljur. Maawa ka naman sa tao pls,” hirit naman ng isa pa.
Ang mga nakakuha ng biro, sumagot na natawa sila sa biruang ito. Habang ang ibang mas seryoso, nilinaw na ang tinutukoy ay si Kylie Padilla at hindi si Kylie Verzosa.



Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
