Kahit nagbigay na ng pahayag si Bea Alonzo tungkol sa cake issue, minarapat pa rin ni Kyline Alcantara na magbigay ng kanyang saloobin tungkol sa usaping ito.
Naging kontrobersiyal at viral ang pagbitbit ni Bea sa birthday cake ni Kyline habang nagpapasalamat ang huli sa sponsors niya sa birthday presentation para sa kanya ng All Out Sundays noong September 3, 2023.
Read: Bea Alonzo downplays "tagahawak ng cake" issue in 'All-Out Sundays'
Pahayag ni Kyline tungkol sa isyu, "First of all po... well, I'm happy dahil nag-celebrate po ako ng birthday sa All Out Sundays, and that thing that happened during and after ay nagulat ako.
"Kasi, wala naman po yun sa intention na pagbuhatin ko si Ate Bea dun.
"Nakita ko naman po dun sa video na siya naman po yung... as in nag-effort si Ate Bea, and I'm so grateful for her.
"And, sana naman po, yung ibang tao, bago mag-judge or make comment, sana po panoorin muna nila yung buong video.
"Hindi lang yung articles [na nasusulat], kundi yung buong video."
Ano ang masasabi ni Kyline sa komentong hindi raw nakaka-"reyna" para kay Bea ang "pagbuhatin" ng cake.
Aniya, "No questions naman po na talaga namang reyna si Ate Bea. And we have... we're all giving her all the respects that she deserve. So, ayun.
"Pero for Ate Bea, parang wala naman po yun, kasi sobrang humble nga niya.
"Siya naman po... pero nahiya nga po ako. Kaya kung makikita niyo dun sa video, habang nagsisimula ako ay tiningnan ko uli yung cake, kasi nahihiya nga po ako.
"Nahihiya ako na siya ang may hawak ng cake."
Nagulat ba siya na biglng nagkaroon ng isyu tungkol dito?
Sagot ni Kyline, "Of course.
"Tungkol dun na naging reaction? Oo naman po.
"I mean, siguro ang masasabi ko, dahil lamang sa paghawak ng cake, ang dami nang naging nasasabi.
"But, talagang may freedom of speech, pero sana yung freedom of ay meron ding awareness na we need to know the two sides of the story."
Pero, sa pagitan nila ni Bea ay wala raw kaso ito.
"Oo naman po. Ateng-ate ko si Ate Bea," paniniguro ni Kyline.
Halos ganito rin ang laman ng maikling pahayag ni Bea sa YouTube showbiz talk show na Marites University.
Aniya, "Naaawa kasi ako kay Kyline na hindi niya mahawakan ang microphone niya kaya kinuha ko na lang yung cake para makapag-thank you naman siya sa sponsors niya."
Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Kyline sa birthday celebration na inorganisa ng kanyang Sunflowers, tawag sa suppporters niya, para sa kanya sa McDonalds, Panay Avenue, Quezon City, noong September 9.
KYLINE AT 21
Sa puntong ito ay may gusto na lang pag-usapan ni Kyline ang ibang bagay-bagay sa pagiging 21 years old na niya.
Ano sa palagay niya ang mga pagbabagong puwedeng mangyari sa kanya?
"Naku, that I don't know po," sambit niya.
"But for sure, with my decisions, it's gonna be the same. Maybe with more risk-taking.
"Wala, wala naman gaanong pagbabago. Kasi ang feeling ko, ever since, parang 21 years old na akong mag-isip."
Kaya nilinaw ni Kyline ang lumabas na report na handa na siyang tumanggap ng mature or adult roles.
Reaksiyon ng young actress, "Ay, nabasa ko nga po yun. Hindi naman po kasi porke't sinabing mature roles, e, ganun na kaagad kung paano naiintindihan ng mga ibang tao.
"Sinabi ko naman po dun na more layers, mas challenging, mas character roles unlike sa Love At First Read, it's a hard role, kasi mahina po ako sa rom-com, aminado ako diyan.
"Siguro, babalik ako sa roots ko. May mangilan-ngilan naman pong tao na yun ang pagkaka-interpret nila sa sinabi, pero hindi yun.
"Siguro hindi nila napanood yung buong interview, or nabasa yung buong article, they just based it sa headline."
Samantala, sobrang saya ni Kyline dahil nga ang selebrasyong ito ay pinagpaguran ng kanyang Sunflowers na matagal-tagal din niyang hindi nakapiling dala ng pandemic. Kaya ang pagkakataong ito ay kanya ring sinamantala bago siya lumipad pa-Korea para isa pang commitment dun.

Aniya, "Extra-special talaga ito dahil iba rito na new faces, may iba rito na ilang taon ko nang nakasama.
"And I'm always grateful to them, and andito sila lahat para... actually, heto parang safe space ito sa akin, kasi alam ko lahat ng nandito ay minamahal ako, sinusuportahan ako, dinidepensahan ako, kung anumang kumakalat na masama para sa akin.
"So, this is really my safe place."
Patuloy pa ni Kyline, "Deserve naman po nila yung ganung pagbigay ko ulit.
"Heto lang naman po ang hinihingi nila. Napakasimpleng bagay.
"So I'm just very thankful to them, na sana ay masaya sila diyan."
