Labis ding nalungkot ang singer na si Liezel Garcia sa pagpanaw ng batchmate niya sa Pinoy Dream Academy Season 2 na si Hansen Nichols.
Si Hansen, o Sen, ay pumanaw kahapon, January 12, 2024, sa San Francisco, California.
Saad ni Liezel sa kanyang post sa Facebook (published as is), “My sweet gwapo Bro, my dear brother- brotha from anotha motha - yan palagi ang joke tawagan natin. Hirap I-compose ang mga gusto ko sabihin sayo bro kasi ang Dami mong mga magagandang alaala na nasa akin at forever kong aalalahanin..
“Hirap din isulat ng hindi naiiyak.. Alam ko durugo ilong mo kung Andito ka para basahin to kasi sa mga tagalog. Isa yan sa mamimiss ko sayo, ako palagi una mo tatawagan or text pag May gusto ka itanong na Filipino word sa akin na di mo maintindihan tas ipapa English mo kung Ano meaning..
“Pero bro, ako ang sobrang pasasalamat sayo, alam mo yan Kung gaano.. halos sa lahat ng bagay may solusyon ka para sa akin..Ikaw ang tao na palaging Andyan sa akin para tulungan ako, pangaralan ako, I remind ako ng mga need kong matutunan na bagay bagay sa life.
“Sa haba ng pinagsamahan natin, never ko natandaan na iniwan mo kame..kahit sa laban mo alam ko kaming lahat iniiisp mo Kaya lumaban ka talaga ng todo..Grabe bro, you are so strong, a very strong warrior indeed! Yung katawan mo ang sumuko sayo..your fighting spirit and positivity, Grabe… so proud of you bro..”
Nais alalahanin ni Liezel ang masasaya nilang samahan ni Sen.
Dagdag niya, “I want to remember you bro like sa pic na to na nakatawa ka.. you are the fun of the party! You always have that big smile on you! Gwapo as always bro!
“You always make sure din na everyone is having fun at Walang maa-out of place. Ikaw ang planner ng lahat, ang aming leader. Sa lahat bro Ikaw talaga. Napakabuti ng Puso mo.. alam kong mahal na mahal mo kame at mahal na mahal ka namin bro.. Payapa ka na at makakasama mo na si Neo.. Alam kong ramdam mo na napapaligiran ka ng LOVE at yun ang baon mo with you..
“You will always stay in my heart and in my mind..Di kita kakalimutan.. I love you my sweet dear bro, our angel, Sen.. Hanggang sa muli..”
Noong 2020, nagkasama pa sila ni Sen, ex-boyfriend na si Bugoy Drilon, at singer na si Klarisse de Guzman sa isang mukbang video.
Matalik ding magkaibigan sina Sen at Klarisse.
Sa isa ngang YouTube video ni Sen na in-upload noong December 30, 2023, makikita pang bumisita si Klarisse sa kanya.
Ayon kay Klarisse, “Ang hirap mawalan ng isang totoong kaibigan.
"Maraming Salamat sa napaka-saya at totoong friendship, Sen.
"I will cherish it FOREVER. Hindi kita maka-kalimutan.
“You fought one incredible battle, Sen. Napaka-Strong mo!
"Rest easy now kapatid. Kasama mo na si Noah (Neo)
"No more pain, no more struggles our brother.
“I love you Sen! Save a place for us up there
"Sa langit na lang tayo ulit mag wine night, mukbang, kwentuhan, kantahan at tawanan..
“Hanggang sa muli nating pag-kikita”
View this post on Instagram
Nauna nang naglabas ng kanyang saloobin sa pagpanaw ni Sen si Bugoy.
Read: Bugoy Drilon mourns the passing of best friend, PDA Season 2 batchmate Hansen Nichols
