Masaya si Martin del Rosario sa kanyang bagong proyekto sa GMA-7 na Asawa Ng Asawa Ko.
Sobrang mature ng kanyang role sa bagong primetime show ng Kapuso network.
Kuwento niya, “Yes, nag-mature. Actually, sa simula, parang hindi ko pa masyado makapa yung character.
“Kasi parang hindi mo... hindi mo pa malaman, e. Kasi ano siya dito, kapatid siya ni Rayver [Cruz], pero mahal niya si Liezel [Lopez].
“So, medyo hindi ko matantiya. With the help of Direk Laurice [Guillen], nakuha ko naman nang maayos.
“So, parang napi-feel ko na ang importante ang role na dito.”
Namimili na ba siya ng role ngayon?
Saad ni Martin, "Of course, namimili. Pero siyempre, from the guidance of my manager, si Sparkle.
"So ito, tinanggap ko ito kasi... actually, work is a blessing.
"So I would like to thank GMA for this opportunity maging parte ng show na ito."
Ang Sparkle GMA Artist Center ang talent management arm ng GMA Network.
Hindi raw siya pinapabayaan ng kanyang home network dahil may trabaho kaagad siya pagkatapos ng Voltes V: Legacy.
Aniya, "And ako naman, malaki ang tiwala ko sa GMA Network para sa career ko.
"Feeling ko, mas marami pang mas malalaking plano for me sa future.”
Wala naman daw problema sa kanya kung bida o hindi siya bida sa mga proyektong kinabibilangan.
“Siyempre, minsan may konting disappointment, but hindi, e.
"Parang nakita ko dito, maganda naman yung character ko. And something challenging din naman.
"At yun nga, tulad ng sinabi ko kanina, pinagkakatiwalaan ko yung network sa plano nila sa akin.
"Kasi they've been giving me my biggest breaks sa career ko.
"So, I'm very grateful to them," pahayag ni Martin.
Bida sa Asawa Ng Asawa Ko sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz.
Mapapanood na ito sa GMA Prime simula January 15, 2024, Lunes, 9:35 ng gabi.
Read: Jasmine Curtis-Smith on live-in setup with boyfriend Jeff Ortega: “Advance kami!”
