Kinumpirma na ni Maymay Entrata ang usap-usapan na mayroon na siyang bagong boyfriend.
Ito ay si Joaquin Enriquez, isang Filipino-American commercial model at baguhang aktor sa Hollywood.
Read: Maymay Entrata, Aaron Haskell Unfollow on IG
Nitong Linggo, October 19, 2025 ay may post si Joaquin sa Instagram na video kung saan nakatayo siya sa isang beach. Ang romantic na kantang "Iris" ng Goo Goo Dolls ang background ng 18-second video.
Maya-maya, makikita si Maymay na tumatakbo papunta kay Joaquin. Niyakap ni Maymay ang lalaki, at hinalikan siya nito sa noo.
Read: Maymay Entrata overjoyed with her debut at Paris Fashion Week
“I finally found my Iris :),” ang caption ni Joaquin sa kanyang post.
Nag-reply naman si Maymay rito ng, “My Lover,” na may kasamang teary-eyed at heart emojis.

Sinagot din siya ni Joaquin ng, “Mahal Kita.”

Hindi malinaw kung kailan at saan unang nakilala ni Maymay ang bagong partner.
View this post on Instagram
WHO IS JOAQUIN?
Limitado lamang ang impormasyong makakalap tungkol kay Joaquin online.
Kung pagbabatayan ang kanyang Instagram account, malalaman na si Joaquin ay Filipino-American na nakatira ngayon sa Los Angeles.
Mahilig siyang mag-workout, marunong sumayaw at mahilig kumanta.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Lumaki siya sa California kasamang ang inang Pilipina at tatay na Amerikano. May dalawa siyang kapatid.
Ayon naman sa kanyang Linkedin account, nagtapos siya sa University of California San Diego noong 2024. Bachelor’s Degree in Theater ang kanyang tinapos na kurso.
View this post on Instagram
Habang nag-aaral ay nagtrabaho siya bilang restaurant crew sa Chipotle at sa isang Korean grill restaurant.
Ayon naman sa kanyang IMDB page, nakasama na si Joaquin sa ilang short films tulad ng Echoes of the Attack at Project Yellow Lights Love/story.

May upcoming TV series din siya na may titulong Madame Hula.