What will happen to Miss Grand Myanmar Han Lay, Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin if they get arrested?

by Nikko Tuazon
May 20, 2021
Han Lay, Thuzar Wint Lwin, Miss Grand Myanmar, Miss Universe Myanmar
Sina Miss Grand Myanmar 2020 Hay Lay (left) at Miss Universe Thailand 2020 Thuzar Wint Lwin (right) ay ilan lamang sa dose-dosenang Burmese celebrities at social media personalities na maaaring makulong dahil sa paghahayag ng kanilang saloobin laban sa military junta ng Myanmar.
PHOTO/S: @hann_may / @thuzar_wintlwin on Instagram

Sa kasalukuyan, hindi pa makauwi sa kanilang bansa sina Miss Grand Myanmar 2020 Han Lay at Miss Universe Myanmar 2020 Thuzar Wint Lwin, o kilala rin bilang Candy Thuzar.

Ito ay dahil sa arrest warrant sa dalawang Myanmar beauty queens dahil sa paggamit ng mga ito sa kani-kanilang sinalihang pageant bilang plataporma upang iparating sa buong mundo ang karahasan at pang-aabusong ginagawa ng militar sa Myanmar mula nang magtagumpay ang coup d’etat rito noong February 1, 2021.

Hanggang ngayon, si Han Lay ay nasa pangangalaga pa rin ng Miss Grand International Organization sa Thailand. Natapos ang grand coronation ng Miss Grand International 2020 noon pang March 2021.

Si Candy naman ay napagdesisyunan munang mamalagi U.S., base na rin sa kanyang mga huling post sa Instagram. Ginanap ang Miss Universe 2020 noong May 16 (U.S. time).

Kung sakaling umuwi ang dalawa at mahuli ng military junta ng Myanmar, ano ang naghihintay na kapalaran sa kanila?

Continue reading below ↓

Sina Han Lay at Candy ay ilan lamang sa dose-dosenang celebrities at social media personalities na maaring makulong dahil sa diumano'y violation ng mga ito sa Section 505(a) of Myanmar’s Penal Code.

Noong February 14, 2021, inanunsiyo ng State Administration Council (SAC) ng Myanmar na may criminal liability ang sinumang maghahayag o magpa-publish ng comments sa social media laban sa military junta na maaaring mag-"cause fear."

Ganundin ang mga magbahagi ng "false news, [or] agitates directly or indirectly a criminal offense against a Government employee."

Ang mapatutunayang lumabag sa mga batas na ito ay maaaring makulong ng tatlong taon, ayon sa ulat ng Human Rights Watch (hrw.org).

Ayon sa Assistance Association for Political Prisoners (Burma) o AAPP, isang human rights organization na nakabase sa Thailand at Myanmar, mahigit 807 na ang napatay ng security forces ng Myanmar as of May 19, 2021.

Nasa mahigit 5,270 naman na ang inaresto, 4,174 sa mga ito ang naka-detain.

Continue reading below ↓

Ilan sa kanila ay kakasuhan ng Anti-Incitement Law dahil sa paghihikayat nila sa government employees na maging "disobedient" o "disloyal" sa pamamagitan ng pagsali sa kanilang protesta.

Mayroon ding 1,742 warrants of arrest na inilabas ang military junta ng Myanmar. Dalawampu sa mga ito ay may death sentence.

Labing-apat naman ay nasentensiyahan nang makukulong ng tatlong taon na may kasamang hard labor para sa mga nagtatago sa military junta.

Maaaring ganito rin ang kahinatnan nina Han Lay at Candy kung sakali.

CRACKDOWN ON CELEBRITIES

Sa simula ng buwan ng April, mahigit 100 celebrities at social media personalities na ang pinangalanan ng military junta ng Myanmar na kanilang aarestuhin, ayon sa ulat ng Eleven Myanmar sa kanilang Twitter account.

Continue reading below ↓

Kabilang dito ang sikat na model at viral "hot monk" na si Paing Takhon. Inaresto ang 24-year-old model ng military ng Myanmar noong April 8, 2021.

Napag-alaman ding siya ay may malaria at heart condition nang arestuhin siya ng mahigit 50 sundalo ng Myanmar.

Sa ulat naman ng BBCBurmese.com noong April 29, 2021, sinimulan na ang hearing sa kaso ni Paing at napag-alaman ng lawyers ng model na maayos na rin ang kalusugan nito.

Ayon naman sa TodayOnline.com, nasa listahan din ng kakasuhan ng paglabag sa Anti-Incitement Law ang Burmese model na si May Myat Noe, na kasalukuyan namang nasa Milan, Italy.

Matatandaang naging viral topic sa social media si May sa Pilipinas matapos nitong maging leading lady ni Park Seo Joon para sa isang telecom commercial.

Kabilang din sa listahan ng mga kakasuhan ay ang Burmese actor couple na sina Eaindra Kyaw Zin at Pyay Ti Oo, at ang kilalang singers na sina Tu Tu, Chit Thu Wai, and Athen Cho Swe.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Miss Grand Myanmar 2020 Hay Lay (left) at Miss Universe Thailand 2020 Thuzar Wint Lwin (right) ay ilan lamang sa dose-dosenang Burmese celebrities at social media personalities na maaaring makulong dahil sa paghahayag ng kanilang saloobin laban sa military junta ng Myanmar.
PHOTO/S: @hann_may / @thuzar_wintlwin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results