Nathalie Hart draws flak for "homophobic" remarks; lesbian played by Nathalie in MMK reacts

by Rachelle Siazon
Feb 25, 2021
Mga nabitiwang salita ni Nathalie Hart tungkol sa kanyang lesbian role sa Maalaala Mo Kaya, hindi nagustuhan ng taong ginampanan niya sa kuwento. Nathalie, naglabas ng public apology sa kanyang Instagram account.
PHOTO/S: @iamnathaliehart Instagram / @inaurner Twitter

Inulan ng batikos si Nathalie Hart dahil sa diumano'y mapanghusgang pahayag ng aktres tungkol sa pagganap niya bilang lesbian sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

Ang MMK ay ang weekly drama anthology ng ABS-CBN na nagsimulang umere noong 1991.

Sa February 27, 2021, Sabado, eere ang ika-apat at panghuling Valentine episode ng drama anthology na tatalakay sa real-life love story ng magkasintahang Tina at Roanne.

Si Nathalie ang gaganap na Tina, at katambal niya si Jane Oineza na gaganap na Roanne.

Sa trailer ng MMK, makikitang bukod sa same-sex relationship ay tinalakay rin sa kuwento ang isyu ng mental health.

Nathalie Hart, Jane Oineza as Tine and Roanne in MMK

Continue reading below ↓

NATHALIE'S STATEMENT ABOUT HER MMK ROLE

Noong February 22, nakapanayam si Nathalie ng ilang members of the press para sa kanyang bagong negosyo, at dito ay natanong din ang aktres tungkol sa kanyang lesbian role sa MMK.

Base sa ulat ng PEP Troika noong February 22, sinasabing "medyo naasiwa" si Nathalie na pag-usapan ang kanyang unang beses na pagganap bilang lesbian sa MMK.

Nasundan ito ng quotes ni Nathalie na aminadong nahirapang gampanan ang "intimate scenes" nila ni Jane sa MMK.

Hindi raw kasi alam ni Nathalie kung saan huhugot ng emosyon na siya ay umiibig sa isang kapwa-babae.

"Medyo nahirapan ako. Ang hirap mag-internalize," pag-amin ni Nathalie.

Dagdag pa niya: "Kasi when I look at her eyes, I can’t feel the love.

"Pero I have to do it, kasi nakakahiya na with the director and my co-actor."

Sa hiwalay na ulat ng Manila Bulletin Online noong February 23, nakasaad din ang pahayag ni Nathalie tungkol sa kanyang lesbian role sa MMK.

Continue reading below ↓

Aniya, "It's my first time to play a lesbian role. I'm very excited na nagawa ko siya at nalunok ko yung role na ito. I think I gave justice to the role."

Nabanggit din sa ulat ang pahayag ni Nathalie na nahirapan siyang ramdamin na siya ay umiibig sa isang babae.

Aniya: "Ang hirap ng role kasi you have to think na you're in love with a woman. Ang hirap talaga.

"Mas madali sa akin makipagtitigan sa lalaki kahit kaninong actor [but not with same sex]."

NETIZENS ACCUSE NATHALIE hart OF BEING A "HOMOPHOBE"

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mga binitiwang salita ni Nathalie sa pagganap nitong lesbian.

Tila may bahid umanong pagkaasiwa at panghuhusga sa lesbian relationships ang tinuran ng aktres na "nalunok" nito ang umaktong lesbian para sa proyekto.

netizens accuse Natalie Hart as homophobic

Continue reading below ↓

netizens accuse Natalie Hart as homophobic

netizens accuse Natalie Hart as homophobic

Continue reading below ↓

Bunsod nito, naakusahan si Nathalie na "homophobe" dahil umano sa kanyang "homophobic" statements.

Ang homophobe ay tumutukoy sa taong may matinding takot, disgusto, o diskriminasyon laban sa mga miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, questioning) community.

Sabi rin ng ibang netizens, sana raw ay ibinigay ang lesbian role sa aktres na naiintindihan ang pinanggagalingan ng karakter na ginagampanan nito.

netizens wish that someone else played the role of Tine

Continue reading below ↓

netizens wish that someone else played the role of Tine

LESBIAN BEHIND NATHALIE'S MMK ROLE DISAPPOINTED AT ACTRESS

Nakarating ang isyu sa mismong taong ginagampanan ni Nathalie sa kuwento ng MMK.

Sa Twitter, nagpakilala si Tina na siyang lesbian na ginampanan ni Nathalie sa MMK episode.

Dismayado si Tina dahil sa mga naiulat na tinuran ni Nathalie tungkol sa pagganap nitong lesbian.

Continue reading below ↓

Tweet ni Tina kagabi, February 24, Miyerkules:

"Nothing more frustrating than having your love story depicted on mainstream media, only for you to find out later on that a homophobe played your role.

"Sorry kung hindi mo maasiwa yung katiboan ko ha.

"Our story deserves better. Queer stories deserve better."

Ang katagang “tibo” ay Filipino slang para sa lesbian.

Kalakip ng tweet ni Tina ay screenshots ng ilang bahagi ng mga ulat na naglalaman ng pahayag ni Nathalie.

Sa kabilang banda, umaasa raw si Tina na magbigay-inspirasyon ang kuwento ng pag-ibig nila ni Tina.

Dagdag niya: "Anw, we poured our hearts into the making of this ep. Roanne & I are happy to have met allies w/in MMK.

"I hope that this serves as a lesson for the industry moving forward.

"Mag focus na lang tayo sa kwento ng episode namin on the 27th at hindi sa mga artista. #MMKwentongRoTin."

Continue reading below ↓

Tina disappointed over Natalie Hart remarks

Sang-ayon ang ibang netizens na tutukan na lang ang kuwento kaysa sa artistang gumanap sa buhay ni Tina.

netizens urge viewers to just focus on the MMK episode

Continue reading below ↓

NATHALIE ISSUES APOLOGY via INSTAGRAM

Nitong umaga ng Huwebes, February 25, naglabas si Nathalie ng official statement sa kanyang Instagram account.

May binanggit siyang "taken out of context" daw ang kanyang pahayag tungkol sa ginampanang lesbian role.

Pero humingi rin siya ng dispensa sa mga nasaktan sa kanyang tinuran.

Sabi ni Nathalie (published as is):

"Hello guys. My close friends and family know how much i love gay people.

"i'm sorry if i offended the lgbtq community, for the remarks i made which were taken out of context.

"i regret my actions and i truly apologize to the people i have offended.

"I'm truly sorry."

Instagram Story: Natalie Hart apology to LGBTQ community

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga nabitiwang salita ni Nathalie Hart tungkol sa kanyang lesbian role sa Maalaala Mo Kaya, hindi nagustuhan ng taong ginampanan niya sa kuwento. Nathalie, naglabas ng public apology sa kanyang Instagram account.
PHOTO/S: @iamnathaliehart Instagram / @inaurner Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results