Nathalie Hart, nahirapan sa intimate scenes nila ni Jane Oineza sa MMK

by PEP Troika
Feb 22, 2021
Nathalie Hart, nagkuwento tungkol sa intimate scenes nila ni Jane Oineza sa MMK: "Medyo nahirapan ako. Ang hirap mag-internalize. Kasi when I look at her eyes, I can’t feel the love."
PHOTO/S: Gorgy Rula

KGORGY RULA

Medyo naasiwa pa si Nathalie Hart na pag-usapan ang role na ginampanan niya sa Maalala Mo Kaya (MMK), dahil first time daw niyang gumanap bilang tomboy.

Sa darating na Sabado, February 27, ay mapapanood ang episode na ito ng Kapamilya drama anthology na MMK sa A2Z.

Kasama rito si Jane Oineza na gaganap na lover ni Nathalie.

Ayon kay Nathalie, hindi talaga siya nakaka-relate sa role na ginampanan niya.

Nakadalawa hanggang tatlong takes daw siya sa ilang intimate scenes nila ni Jane dahil hindi niya raw talaga na-feel na ma-in love sa kapwa babae.

"Medyo nahirapan ako. Ang hirap mag-internalize," pag-amin ni Nathalie.

"Kasi when I look at her eyes, I can’t feel the love.

"Pero I have to do it, kasi nakakahiya na with the director and my co-actor."

Nakatsikahan namin si Nathalie ngayong tanghali, February 22, sa promo ng bagong negosyo niyang Gayatree Organics.

Dito ay tinanong namin siya kung alin ang ie-entertain niya sakaling may manligaw sa kanya na isang bading at isang tomboy.

Continue reading below ↓

May iba kasing babae na mas pipiliing maging manliligaw ang tomboy kaysa bading.

Sa The Boobay and Tekla Show kasi nung Linggo, February 21, ay guests sina Arra San Agustin at Kate Valdez.

Tinanong sina Arra at Kate kung alin ang mas type nilang manliligaw—tomboy o bading na nagpapanggap na lalaki.

Parehong pinili nina Kate at Arra ang tomboy, dahil ayaw raw nilang gamitin pa sila para magpanggap lang na lalaki ang isang bading.

Iba naman ang sagot ni Nathalie nang tinanong namin ito sa kanya.

"Mas kakayanin ko siguro, bakla. Baligtad ako," sabi ni Nathalie.

Paliwanag niya, "Kasi, at least, parehas yung gusto namin, tapos magkaka-jive kami.

"Kasi kung tibo, very different kami."

Ang tibo ay Filipino slang para sa lesbian.

Sabi pa ni Nathalie sa pagkakaroon kung sakali ng isang bading na manliligaw, “Mas kakayanin ko yun. Basta, magtapat lang siya sa akin.

"I think I can be in a relationship with a gay guy than a lesbian."

Continue reading below ↓

NATHALIE hart'S UPCOMING PROJECTS

Samantala, thankful si Nathalie sa pagpasok ng 2021, dahil tuluy-tuloy na raw ang trabaho niya.

Bukod dito sa guesting niya sa MMK, katatapos lang din niya sa mag-taping para sa TV5 show na Wanted: Ang Serye.

Itutuloy na rin daw ni Nathalie ang shooting ng pelikula niya sa Viva na naudlot noong nagsimula ang quarantine dahil sa pandemic.

Sabi pa ni Nathalie, nakatakda siyang gumawa ng isang soap para sa TV5, pero hindi pa raw siya allowed na sabihin ang buong detalye.

Dagdag pa sa pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang sinimulan niyang negosyo— itong Gayatree Organics.

Ipinapadala sa kanya ang beauty products na organic mula Taiwan, at siya na ang nag-ayos ng packaging at ang pagma-market dito sa Pilipinas.

Sa panahon ngayon ay kailangan daw talagang may fallback ka kung sakaling di okay ang showbiz career.

"It’s good to have something na fallback, and okay naman iyung mga cosmetics na organics, e," ani Nathalie.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "Dami ko na-realize, e. And I feel na it’s something new na I’m gonna be a part of the entrepreneur world.

"It’s also gonna improve my life in some way...

"I have to study all the time and I got to meet a lot of people in this kind of industry.

natalie hart

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Madiskarte sa buhay si Nathalie Hart mula pa noong lumahok siya sa fifth season ng Kapuso reality show na StarStruck noong 2009.

Lalo siyang masigasig at nagsusumikap ngayon na meron na siyang anak.

Good luck sa kanyang showbiz career, negosyo, pati na sa lovelife!

NOEL FERRER

Dito mapapatunayan ni Nathalie ang kanyang pagka-Best Actress sa isang Filipino Festival sa New York.

Noong 2016, kinilala ng International Film Festival Manhanttan ang pag-arte ni Nathalie sa pelikulang Siphayo.

Dito sa MMK, makikita natin kung consistent ang kanyang mahusay na performance, ke gusto o nakaka-identify siya sa role na ibinigay sa kanya.

Susubaybayan natin kung makaungos ang kanyang MMK kasama si Jane sa katapat na show sa GMA Network, ang Magpakailanman, at sa halos kasabayan ding show sa TV5, ang Wanted: Ang Serye.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathalie Hart, nagkuwento tungkol sa intimate scenes nila ni Jane Oineza sa MMK: "Medyo nahirapan ako. Ang hirap mag-internalize. Kasi when I look at her eyes, I can’t feel the love."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results