Ang pares nina Arvery Lagoring at Christian Tibayan, na mas kilala bilang OST Dreamers, ang hinirang na kampeon sa "Tawag Ng Tanghalan (TNT) Duets 2" ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Ngayong Sabado, January 17, 2026, naganap ang huling tapatan, kunsaan sa huli ay nanaig ang tinig nina Arvey at Christian laban sa lima pang pares na kanilang nakalaban.
Read: Chariz Solomon opens up about childhood sexual, physical abuse
Mula sa weeklong Grand Finals ng singing competition ng It’s Showtime, na tumakbo mula January 12 hanggang 16, anim na pares ang umabante sa Huling Tapatan.
Ito ang pares nina Arvery at Christiann; Isay Olarte at Nowi Alpuerto (IN-2-U); Miah Tiangco at Eunice Encarnada (Dugong Bughaw); Thor Valiente at Pia Carandang (TNT Bestmates); Jezza Quiogue at Ian Manibale (Jezzian); at JR Oclarit at Mark Justo (Pangmala-COUSINS).
Read: Liza Soberano 2023 loveteam statement resurfaces amid WilCa issue
Sa unang round ng kompetisyon ay ipinamalas ng anim na pares ang kanilang pang-malakasang duet performance.
Ang tatlong pares na nakakuha ng pinakamataas na grado mula sa mga hurado ang aabante sa second round, kunsaan dito ay aawitin ang kanilang finale duet performance.
Pangmala-COUSINS, Jezzian, and OST Dreamers enter TOP 3
Matapos ang first round, ang Pangmala-COUSINS, Jezzian, at OST Dreamers ang nagtala ng pinakamataas na marka.
Sa final round, buong pusong inawit ng Pangmala-COUSINS ang “All My Life” ng American R&B duo na K-Ci & JoJo.

Ang Jezzian naman ay kumanta ng “You’ll Be Safe Here” ng bandang Rivermaya.

Habang ang kanta ni Jolina Magdangal na “Kapag Ako Ay Nagmahal” ang pinili ng OST Dreamers.

Sa huli, nanaig ang husay sa pagkanta nina Arvery at Christian matapos silang makakuha ng markang 99.6 percent.
Second placer naman sina Jezza at Ian (Jezzian), na nakakuha ng gradong 95.6 percent.
Habang nasungkit ng Pangmala-COUSINS na sina JR at Mark ang huling puwesto sa score na 95.4 percent.
Naiuwi ng OST Dreamers ang PHP500,000 cash prize, kasama ang "Tawag Ng Tanghalan" trophy, talent management contract mula sa Star Magic, at recording contract mula sa ABS-CBN Star Music.
