Is PBB housemate TJ Valderrama getting extra touchy or just a victim of cyberbullying?

by Rachelle Siazon
Nov 22, 2021
PBB Kumunity Season 10 TJ Valderrama and Shanaia Gomez
PBB Kumunity Season 10 housemate TJ Valderrama (leftmost) is in hot water following netizens' allegations that he is being "extra touchy" towards Shanaia Gomez (in denim jacket). Ex-housemate Chie Filomeno (in PBB Kumulitan livestream, right), for her part, says, "Seeing the video kanina—parang it was just a screenshot, few clips, few seconds—parang nalagyan ng meaning."

Hintayin ang buong kuwento kung may katotohanan o wala ang alegasyong "unsolicited touching" na ibinibintang ng netizens sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate na si TJ Valderrama.

Ito ang pagsusuma ng pahayag nina Chie Filomeno, Richard Juan, at Sky Quizon hinggil sa isyu.

Noong Sabado, November 20, nag-trend sa Twitter ang hashtag na "#FORCEEVICTTJ."

Kalakip ng tweets ng netizens ang videos at screenshots na kuha sa ilang interaksyon ni TJ kay Shanaia.

At press time, walang reklamo mula kay Shanaia at wala ring reaksiyon si TJ na ipinapalabas sa PBB.

Diretsahang napag-usapan ang kontrobersiya sangkot sina TJ at Shanaia sa online live streaming ng "PBB Kumulitan" nitong Linggo ng gabi, November 21.

Hosts dito ang ex-PBB housemates na sina Sky Quizon at Richard Juan, at guest nila si Chie Filomeno, na bahagi ng PBB Kumunity Season 10.

Kakalabas lang ni Chie sa Eviction Night noong Sabado, November 20.

Continue reading below ↓

Sa salaysay ni Chie, sa kanyang personal na karanasan ay maganda ang samahan nila ni TJ sa Bahay Ni Kuya.

Ang turing niya kay TJ ay "kuya" at pati ibang housemates ay madalas na hinihingan din daw ito ng payo.

Paglalarawan ni Chie kay TJ: "He's the kuya. Everyone kasi is very comfortable with each other.

"Every night, every morning, maggu-goodnight kami, magbebeso. Ganun talaga kami.

"Si Kuya TJ ang halos takbuhan ng lahat kasi he's like the kuya sa bahay."

Sa abot ng kanyang kaalaman ay walang isyu sa pagitan nina TJ at Shanaia.

"I was there also when it happened, e.

"Kung anong nakikita ng tao sa labas, sa loob ng bahay iba talaga yung relationship namin. We're really comfortable with each other.

"And according to Shanaia, si Kuya TJ din yung confidante niya.

"Seeing the video kanina—parang it was just a screenshot, few clips, few seconds— parang nalagyan ng meaning."

Naniniwala si Chie na sila na mismong female housemates ang aalma kung may pangyayaring tingin nila ay naagrabyado sila.

Paliwanag ni Chie: "If ever naging touchy man si Kuya [TJ] sa aming lahat, we would address it to Kuya.

"And if ever man totoo man naging touchy or magiging touchy si Kuya TJ—sayang na wala ako dun—coz I know na pagsasabihan namin si Kuya TJ.

"If ever man naging touchy si Kuya, di talaga dapat mangyari yun.

"Pero kasi, everything was taken out of context siguro."

Pero nilinaw din ni Chie na wala siya sa posisyon para magsalita kung ano man ang naramdaman ni Shanaia, lalo pa't wala na siyang kontak sa mga ito ngayong evicted na siya.

"I don't wanna speak in behalf of Shanaia kasi si Shanaia ang involved dito at si Kuya TJ," ani Chie.

Dagdag niya, "Me as an ate, I will never tolerate that if ever may harassment nga na nangyayari sa loob."

Continue reading below ↓

Sumegunda si Sky at sinabing hintayin ang panig ni Shanaia sa isyu.

Bilang ex-housemate ng PBB Otso noong 2019, saksi raw si Sky kung paanong naging strikto si Big Brother nang magkaroon noon ng isyung harassment at na-force evict ang housemate na hindi na nito pinangalanan kung sino.

"Big Brother will never tolerate any kind of harassment, sexual harassment, regardless of gender inside the house.

"Mapapanood natin kung ano masasabi ni Shania mismo," saad ni Sky.

Nagpaalala naman si Richard na "borderline cyber bullying" ang ginagawa ng netizens kay TJ dahil hindi pa raw ito nabibigyan ng pagkakataong depensahan ang sarili.

Ipinunto ni Richard na hindi sapat ang kumalat na screenshots at video para mahusgahan kung ano nga ba ang pangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya.

"We don't want to be enabling, to be allowing any of this to happen.

"The program, the show, Big Brother, everyone will not allow this to happen.

Continue reading below ↓

"At the same time, we want to tread carefully because we only see screenshots, we only see the videos that are taken out of context," katuwiran ni Richard.

Marapat lang daw na hintayin ang imbestigasyon ng PBB sa isyu.

"We have to see the big picture.

"Kawawa rin kasi you don't have the chance to defend yourself.

"Being bombarded [with allegations], borderline cyber bullying na rin in a way."

Diin pa ni Richard: "On the surface, it doesn't really look good and all that.

"But at the end of the day, we don't have the full context yet.

"And I believe Kuya will address this directly, so we get the full story, so that we will all know what happened. Let's see."

THE TRENDING HASHTAG "#FORCEEVICTJ"

Nanawagan ang ilang netizens na patawan si TJ ng "forced eviction" dahil sa pagiging "extra touchy" umano nito sa kapwa housemate na si Shanaia.

Continue reading below ↓

Naalarma ang netizens dahil sinabing "disturbing" at hindi raw maituturing na "friendly" ang pagiging malapit masyado ni TJ kay Shaina.

TJ Valderrama Shanaia Gomez unsolicited touching

TJ Valderrama Shanaia Gomez unsolicited touching

Continue reading below ↓

Ipinunto nila ang insidenteng pagyakap at pagiging madikit ni TJ kay Shanaia habang nagtu-toothbrush ang dalaga.

May ibang pagkakataon kunsaan nagkukuwentuhan ang housemates at si TJ naman ay nakahawak sa baywang ni Shanaia.

Hindi malinaw kung ano nga ba ang tingin ni Shanaia sa ikinikilos ni TJ.

Pero umaapela ang netizens na sana ay aksiyunan iyon ng PBB sa pamamagitan ng pagtanggal kay TJ sa show.

TJ Valderrama Shanaia Gomez unsolicited touching

Continue reading below ↓

TJ Valderrama Shanaia Gomez unsolicited touching

TJ Valderrama Shanaia Gomez unsolicited touching

Continue reading below ↓

TJ Valderrama Shanaia Gomez unsolicited touching

GABRIELA REMINDS PBB ABOUT CULTIVATING A "SAFE SPACE FOR ALL"

Ang Gabriela Women's Partylist ay naglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa reklamo ng netizens laban sa PBB housemate na si TJ.

Sa Facebook post ng grupo kahapon, November 21, nagbigay ng paalala ang grupo sa PBB na siguruhing "safe space" ang Bahay Ni Kuya, lalo pa't maselan na isyu ang tinagurian nitong "unsolicited touching" na uri ng "sexual harassment."

Continue reading below ↓

Sabi ng Gabriela: "We have taken note of several photos and videos related to the 'FORCE EVICT TJ' Twitter trend.

"A reminder that unsolicited touching and physical contact, even in the context of friendship or even relationship, can be a form of sexual harassment.

"Maaring hindi agad napapansin subalit karaniwang hindi komportable ang biktima sa ganitong mga sitwasyon, at maari pang magdulot ng trauma.

"Nawa'y maging positibong venue ang PBB para matalakay ang mahalagang usapin na ito hinggil sa Safe Spaces, lalo't bahagi ito ng paggunita natin sa darating na International Day for the Elimination of Violence Against Women (IDEVAW) sa Nobyembre 25."

Gumamit ito ng hashtags ng women's rights advocacy na "#IDEVAW2021 at
"#SafeSpacesForAll."

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Kumunity Season 10 housemate TJ Valderrama (leftmost) is in hot water following netizens' allegations that he is being "extra touchy" towards Shanaia Gomez (in denim jacket). Ex-housemate Chie Filomeno (in PBB Kumulitan livestream, right), for her part, says, "Seeing the video kanina—parang it was just a screenshot, few clips, few seconds—parang nalagyan ng meaning."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results