Watch Now

Pia Wurtzbach recalls time she only had P100 in her wallet after a crazy breakup: “Wala akong pera. Wala akong trabaho.”

by Bernie V. Franco
Mar 16, 2021
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach recalls being in a toxic relationship in the past: “Under ako noon sa lalaki. Yung parang kung ano yung sabihin niya, ‘yon ang masusunod."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

Ikinuwento ni Pia Wurtzbach na naging sunud-sunuran siya noon sa dating boyfriend na hindi niya pinangalanan.

Isinuko raw niya ang lahat ng mahalaga sa kanya—career, pamilya, kaibigan—para sa lalaking minamahal.

Sabi pa ng Miss Universe 2015, isa siyang “Yes Girl” noon dahil oo lang siya nang oo sa lahat ng sasabihin ng kanyang karelasyon.

Nangyari raw ito bago siya sumabak sa pageant industry.

PIA WAS A DIFFERENT PERSON

Ikinuwento ni Pia ang kanyang mapait na kuwentong pag-ibig sa March 12 podcast ng Between Us Queens, na may paksang “What’s your crazy breakup story?”

Simula ni Pia, “Before this whole pageant thing, before Miss Universe, before Binibini, I was a very different person.

“Under ako noon sa lalaki. Yung parang kung ano yung sabihin niya, ‘yon ang masusunod.

“Hindi ako lalaban kahit alam kong mali. I didn’t really have a voice.

“So, I was that kind of girl. I was very submissive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinayaan daw ni Pia na umikot ang kanyang mundo sa boyfriend niya.

“I had a relationship before where mas pinili ko ‘yon kesa yung trabaho ko, kesa yung career ko.

“Mas pinili ko siya kesa hanging out with friends. Mas pinili ko siya kesa sa spending time with family.”

Bagamat hindi tinukoy ni Pia, lumalabas na showbiz career ang isinuko niya para sa boyfriend.

“I gave up my career, I stopped doing the jobs that I was doing, which also meant I didn’t have an income.

“So, I had nothing.”

Itinigil din daw ni Pia ang pakikipagkita sa mga kaibigan, lalo na yung mga hindi gusto ng kanyang boyfriend.

“Alam mo yun, pag hindi siya aprub dun sa girl friends mo, sa barkada mo, parang di ka na rin sasama.

“He kinda became, like, the boss of me of everything.

“And then, pagka meron siyang hindi gusto sa mga decisions ko, siyempre siya ang nasusunod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ng former Miss Universe, “And I just remember feeling so lost.

“And, like, I didn’t have a voice anymore and parang walang identity.”

PIA HAD ENOUGH

Sa lahat ng pangyayaring iyon, naging sandalan ni Pia ang kanyang nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Si Sarah raw ang nagmulat sa kanyang iwan na ang karelasyon dahil hindi ito nakabubuti sa kanya.

“One day, I just woke up and I realized I didn’t want this anymore. Ganun,” lahad ni Pia.

Nag-alsa balutan daw si Pia. Nakiusap siya sa isang kaibigan para makituloy dahil wala siyang ibang mapupuntahan.

“I had to ask a friend if I could sleep over muna for a few weeks until I found my way, kasi wala akong pupuntahan.”

Ani Pia, ang tanging laman ng wallet niya noon ay isandaang piso. Wala na siyang iba pang pera at wala ring trabaho.

“I just remember packing whatever I could, getting into my friend’s car. And just having only PHP100 in my wallet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala akong pera. Wala akong trabaho. As in wala lahat.

“And I had to rebuild myself again from zero.”

Inalala pa ni Pia na nang magdesisyon siyang iwan ang boyfriend, nakiusap itong pag-usapan nila ang problema pero hindi siya nagpapigil.

“After that, that was a big learning experience for me, na hindi pwedeng Yes Girl tayo palagi.”

Aminado si Pia na “May mali din ako for sure kasi I let it happen.”

Pinatotohanan ni Pia ang sinasabi ng iba pagdating sa pag-ibig.

“Totoo yung sinasabi nila na mahalin mo nang mahalin hanggang sa mapagod ka.

“Ibuhos mo na lang hanggang ikaw na mismo sumuko ka na.

“And that’s what happened to me.

“I gave it everything—all of my time, my efforts, my heart. And then, napagod ako.

“One day, I just woke up and then I left.”

Sa kasalukuyan, masaya si Pia sa piling ng Scottish travel entrepreneur na si Jeremy Jauncey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos isang taon na silang magkarelasyon.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
pia wurtzbach, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach recalls being in a toxic relationship in the past: “Under ako noon sa lalaki. Yung parang kung ano yung sabihin niya, ‘yon ang masusunod."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results