Pia Wurtzbach "ta-tumbling" kapag nag-number one ang podcast show sa Spotify

by PEP Troika
Feb 20, 2021
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Pia Wurtzbach ay ang podcast show niya sa Spotify na pinamagatang Between Us Queens.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

GORGY RULA

Sa gitna ng pagbabakasyon ng magkasintahang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey sa Marrakech, Morocco, aligaga ang Miss Universe 2015 sa pagpo-promote ng bagong podcast show na mapapakinggan sa Spotify.

Ang title nito ay Between Us Queens, kung saan kasama niya ang mga kaibigang beauty queens na sina Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizardo at si Binibining Pilipinas International Bianca Guidotti.

Tuwang-tuwa si Pia dahil noong Miyerkules, February 17, 2021 lamang nila ini-launch ang naturang programa, nag-trending daw sila kaagad sa Spotify.

"Sobrang saya kasi three days pa lang bago nag-launch iyong Between Us Queens, ngayon nasa number two na kami ng trending ng Spotify.

"Sobrang kilig pag umabot kami sa number one bukas!" bulalas ni Pia sa kanyang Instagram Live nitong Sabado, February 20, ng madaling araw.

Kuwento pa ni Pia, dati ay hindi niya ma-gets ang magprograma na pinapakinggan sila, pero ngayon ay na-enjoy raw nila ang kanilang balitaktakan.

Continue reading below ↓

Nakadalawang episodes na sila na tumatalakay sa iba’t ibang isyu ng mga kababaihan, at puwede rin daw sa mga kalalakihan, kahit na anong kasarian.

Una nilang tinalakay ang kung kailan dapat magpakasal, at ang pangalawa ay bakit ang hirap magpapayat. Nagbibigay raw sila ng kani-kanyang opinyon at karanasan.

Kaya natutuwa siya sa magagandang feedback na nakakarating sa kanila.

Happy ang beauty queen na naka-12,000 streams na sila, at nakikiusap siya sa mga followers na sana ay mag-number one sila.

“Please, nagmamakaawa ako sa inyo, guys. Gusto ko mag-number one kami bukas,” pakiusap niya sa kanyang IG live.

“Sobrang kikiligin talaga ako pag nag-number one kami bukas. As in ta-tumbling ako… ta-tumbling ako kahit hindi ako marunong tumambling,” napapangiti niyang pahayag.

Nung huling na-check ko sa Spotify, number two pa rin itong Between Us Queens, at hindi pa nalalagpasan ang nasa number one spot na Payaman Insider.

JERRY OLEA

Panay-panay ang promo ni Pia sa Twitter ng kanilang podcast.

Continue reading below ↓

Tweet ni Pia noong Pebrero 16, Martes ng hapon, “ready na kami to talk about things beyond the crowns and titles. I'm particularly excited kasi mas masi-share ko na yung personality at thoughts ko outside of pageantry.

“We're so thankful to be working with our favorite music & podcast streaming platform!”

Pebrero 18, Huwebes ng umaga, nag-tweet si Pia kaugnay sa pagkakaibigan nila nina Bianca at Carla mula 2014.

Aniya (published as is), “We met cos we competed in that years Bb pageant where we were supposed to compete with each other. Instead we became the best of friends.

“Its been 6 years now and were closer than ever. More than just ‘pageant sisters’ we became sisters in real life, sharing real experiences beyond the crowns or titles. This is what this podcast is all about.

“We are our true candid, kenkoy and sometimes embarassing selves here as we discuss topics ALL WOMEN go through.”

Continue reading below ↓

Kabilang pa sa tatalakayin nila ang quarter-life crisis, crazy breakup stories, at babae ka pero nabasted ka na ba?

“Sometimes these are the questions harder to answer, di ba? Even harder than any pageant question! LOL! Expect to hear our true selves in this podcast.

“Now I know some of you might not be into podcasts but theyre such an eeeassy listen especially when the topics are interesting!”

NOEL FERRER

Maganda iyan at may bagong platform si Pia to further her brand, pero iba talaga ang kahingian sa podcast. Iba ito sa YouTube at Facebook.

Kuro-kuro, insights, at wisdom ang baon dapat dito in order to make a mark. Sana, ma-sustain ito ni Pia in order to tap a new audience.

Magandang magkaroon sila ng episode ni Catriona kung sakali.

Samantala, nakatakda na ang susunod na Miss Universe pageant at ito’y gaganapin sa Mayo 16, 2021 sa USA.

Habang may bagong reynang kinokoronahan, dapat may bagong worthwhile at relevant projects ang mga dating reyna para hindi sila makalimutan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Pia Wurtzbach ay ang podcast show niya sa Spotify na pinamagatang Between Us Queens.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results