Nagbitaw ng pangako si Rufa Mae Quinto sa namayapang asawang si Trevor Magallanes na aalagaan niyang mabuti ang kanilang nag-iisang anak na si Athena, 8.
Sa Instagram ngayong Martes, August 12, 2025, nag-upload si Rufa Mae ng mga larawan kasama si Trevor at anak nilang si Athena.

Kuha ito sa isang party na dinaluhan nila noong nabubuhay pa ang asawa.
Sabi ni Rufa Mae sa caption: "I promise to take care of our daughter, we can’t stop thinking of you. Mahal ka namin officer Magallanes."
View this post on Instagram
Read: Kris Aquino goes into preventive isolation in Tarlac
RUFA MAE AND TREVOR ARE NOT DIVORCED
Pumanaw si Trevor Magallanes noong July 31, 2025.
Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies
Labis na ikinalungkot ni Rufa Mae ang balita lalo na't magkalayo sila ng estranged husband nang pumanaw ito. Nasa California, USA, si Trevor at si Rufa Mae naman ay nasa Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni Rufa Mae: "I’m deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter. Just pray for us that we will get thru this by the help of God!"
Read: Rufa Mae Quinto confirms husband Trevor Magallanes's death
Noong August 2, nilinaw ni Rufa Mae na hindi sila divorced ni Trevor.
Lumalabas na hindi natuloy ang tinuran noon ni Trevor na nasa proseso na sila ni Rufa Mae na legal na maghiwalay.
Ayon kay Rufa Mae, nananatili silang mag-asawa ni Trevor dahil walang nag-file sa kanila ng annulment.
Annulment lang kasi ang umiiral na batas para maghiwalay ang mag-asawang ikinasal sa Pilipinas.
Pero maaari ring mag-file ng divorce ang isang kabiyak kung siya ay isang American citizen na nakapangasawa ng Pinay o vice versa.
Sabi pa ng actress-comedienne: "Mag-asawa pa din kami ni Trevor, walang nag-file sa amin ng annulment.
"Dito po kami sa Pilipinas kinasal, Nov. 25, 2016."
Read: Rufa Mae clarifies late husband Trevor did not file for divorce
