Pinabulaanan ni Rufa Mae Quinto ang isyung divorced na sila ni Trevor Magallanes bago ito pumanaw.
Lumalabas na hindi natuloy ang tinuran noon ni Trevor na nasa proseso na sila ni Rufa Mae na legal na maghiwalay.
Sa Facebook ngayong araw, August 2, 2025, ibinahagi ni Rufa Mae ang YouTube video noong sila ay ikinasal ni Trevor sa Pilipinas last November 2016.
Ayon kay Rufa Mae, nananatili silang mag-asawa ni Trevor dahil walang nag-file sa kanila ng annulment.
Annulment lang kasi ang umiiral na batas para maghiwalay ang mag-asawang ikinasal sa Pilipinas.
Pero, maari ring mag-file ng divorce ang isang kabiyak kung siya ay isang American citizen na nakapangasawa ng Pinay or vice versa.
Ayon sa actress-comedienne: "Mag-asawa pa din kami ni Trevor, walang nag-file sa amin ng annulment.
"Dito po kami sa Pilipinas kinasal, Nov. 25, 2016."
Hanggang ngayon ay in shock pa rin daw si Rufa Mae at ang anak nila ni Trevor na si Athena Alexandria Magallanes.
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya sa lahat ng nakikiramay sa pagluluksa ng kanilang pamilya.
Pahayag pa ni Rufa Mae (published as is): "Ako po ay widow/ byuda na, shock pa din at nagluluksa po kaming mag-ina and salamat po sa lahat ng condolences and RIP and sympathy heart.
"Salamat sa pakikiramay. Lord please give me and Athena our daughter strength, ang sakit."
Read: Rufa Mae Quinto rebuilds life and career in the Philippines
TREVOR MAGALLANES DIVORCE PROCESS ONGOING
Matatandaang noong December 13, 2024, inanunsiyo ni Trevor na ongoing na ang divorce nila ng asawa nitong si Rufa Mae.
Ayon kay Trevor, hindi na niya kaya pang itago ito dahil na rin sa mainit na talakayan sa social media tungkol sa relasyon nila ni Rufa Mae.
Nasa punto na raw na ang kanyang marriage kay Rufa Mae ay isa nang "sh*t show" at ang tanging nais lamang niya ay makawala rito at makapiling ang kanilang anak.
Buong post niya (published as is): "Hey guys, I felt like I need to explain myself based on social media and all that. I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce.
"You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents. That being said my marriage has been a shit show and i am sorry for that.
"All that matters me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena. Happy holidays!"
Noong January 2025, naibalita pa ang pagtanggi ni Trevor na nagkabalikan sila ni Rufa Mae.
Hindi malinaw kung sa mga sumunod na buwan ay nagkaroon ng pagkakataong magkaayos sila ni Rufa Mae.
Read: Trevor Magallanes reveals ongoing divorce process with Rufa Mae
Sa ngayon, nasa Amerika na si Rufa Mae at ang kanilang anak na si Athena upang ipagluksa ang dagliang pagpanaw ni Trevor.

Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies
