Nilinaw ni Megastar Sharon Cuneta ang lumabas na anunsiyo na mapapanood siya sa ASAP Natin ‘To ngayong darating na Linggo, January 24.
Sa announcement, kabilang ang Megastar sa lineup of guests at bibigyan daw siya ng birthday bash sa ABS-CBN musical-variety show na mapapanood na rin sa TV5 simula sa Linggo.
Matatandaang may pa-birthday tribute din ang ASAP Natin 'To kay Sharon noong nakaraang taon.
Sa announcement na naisulat, isasabay raw sa programa ang pagdiriwang ng birthday ni Sharon at ang pag-welcome sa bagong Kapamilya artist na si Janine Gutierrez.
Pero ani Sharon, hindi totoong mapapanood siya sa ASAP Natin 'To ngayong Linggo.
SHARON DISAPPOINTED BY ANNOUNCEMENT
Ginawa ni Sharon ang paglilinaw sa pamamagitan ng kanyang social media accounts bandang tanghali ngayong Biyernes, January 22.
Aniya, ilang linggo na rin ang nakalipas matapos ang kanyang tunay na kaarawan.
Ipinagdiwang ni Sharon ang kanyang 55th birthday noong January 6.
Sabi ng Megastar: “Wala po ako sa A.S.A.P. sa Sunday!
“I don’t know why lumalabas sa social media na guest po ako sa A.S.A.P. this Sunday when di naman po ako nag-‘Yes’ sa pag-guest at di ko alam pang-birthday ko pala dapat yun, kasi patapos na ang buwan, at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto kong gawin.”
Halatang ikinalungkot din ni Sharon ang nasulat kung dadalo raw ba si KC sa birthday celebration niya sa ASAP.
“Ayoko din yung nadadamay pa pati si KC na lalabas ba siya o kung anuman.
“Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina?”
Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Sharon at KC nang hindi nakadalo si KC sa birthday celebration ng kanyang ina sa ASAP noong nakaraang taon.
Nagbitaw ng mga pahayag si Sharon na sa tingin ng netizens ay patutsada kay KC. Nagkaroon ng palitan ng mensahe ang mag-ina sa social media.
Balik sa post ni Sharon, nilinaw ng singer/actress/host ang tungkol sa announcement dahil baka siya raw ang mapasama kapag hindi siya napanood ng viewers sa ASAP.
Dugtong niya, “I love may A.S.A.P. family (I love MR. M MOST OF ALL. Pero NAWALA NA SIYA DOON.)
Ang tinutukoy ni Sharon na "Mr. M" ay si Johnny Manahan, ang long-time director ng ASAP. Nilisan ni Mr. M ang ABS-CBN noong nakaraang taon.
Malalim ang pinagsamahan nina Sharon at Mr. M dahil marami sa concerts at TV shows ni Sharon sa ABS-CBN ay idinirek ng Star Magic founder.
Samantala, dismayado ang Megastar sa sinasabing guest appearance niya sa ASAP this Sunday.
Aniya, “But this is upsetting. Kasi pag di ako lumabas, eh di ako pa po ang lalabas na masama?”
“Nananahimik po ang buhay ko.
“The stars of ASAP having nothing to do with this.
“I am sure the staff meant well by asking me to guest.
“Unfortunately, this is still unfair to me.”

