Diretsahan nang sinagot ni Tony Labrusca, 25, ang akusasyong isa umano siyang bakla.
Matagal nang kinukuwestiyon ang sexual orientation ni Tony. Naging laman siya ng blind items, at kesyo may boyfriend umano siya.
Na-link pa siya noon sa kapwa aktor na si Alex Diaz matapos lumabas ang mga larawan nilang magkasama.
Pag-amin ni Tony, “frustrated” siya dahil laging kinukuwestiyon ang kanyang sekswalidad.
“The thing is, I get frustrated when people focus on my sexuality.
"It makes me feel like no amount of work or accomplishments that I’ve done [matters]. I feel it gets undermine.
“Because people wanna focus on my sexuality, instead of my capability. So that’s where my frustration comes in,” pahayag ni Tony sa kanyang YouTube video noong September 23.
Ito ang unang beses na diretsahang tinalakay ni Tony ang isyung matagal nang ibinabato sa kanya.
Sinagot niya ang comments ng netizens na nagsabing siya raw ay “gay” at “still in the closet.”
Nasanay na nga lang daw si Tony sa pagkuwestiyon ng iba sa kanyang sexual identity. Ang importante raw ay alam niya sa sarili kung ano ang totoo.
“I don’t mind people assuming this about me.
"At the end of the day, whether people like it or not, whether it comes to who you’re dating, whether it comes to your sexuality, the truth is always behind closed doors.
“I love when people make this type of assumptions about me, because it means people are intrigued by me.”
Paglilinaw ni Tony, “But for me, I don’t identify myself as homosexual. But I don’t think that matters anymore.”
Kahit ano pa raw ang sabihin niya, hindi pa rin naman titigil ang iba sa pagkukuwestiyon sa kanyang sekswalidad.
“Even if I said I wasn’t gay, the people who think I am gay are going to keep on believing that I’m gay.
“There is nothing I can do that would change their mind, because they think that I dated this person, or they think that I had sex with this person, because this tabloid said that.
“So, that’s out of my control, you know what I mean?”
At kung sakaling gay man daw siya, hindi pa rin papabor ang lahat ng tao sa kanya. Hindi raw mawawala ang batikos sa kanya.
“Let’s say, if I did say I was gay, some people still wouldn’t believe me, or some people would still hate me.
“They would say I’m doing it for attention, or they’ll say I’m queerbaiting.
"Or some people would be, like, ‘O, sabi ko na nga ba, e.’ And then people would end up hating me.”
Ang queerbaiting ay pagsa-suggest ng isang tao na siya ay kasapi ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBTQ) community, para makuha ang suporta at simpatiya ng mga miyembro nito.
“So my point is, whatever I say, whatever I do, whatever I identify as, it doesn’t matter. The’re still gonna be people that hate me, because I’m me.
“So, I do love these assumptions because it just means that people are still curious about me.”
Inamin din ni Tony na nae-enjoy niya ang pagkakaroon ng misteryo para maintriga ang iba.
“But I love that… I’m not sure… ambiguity?? That’s that. It is what it is,” sabi ng nangingiting si Tony.
TONY: “I’M HUMAN AND I DO GET HORNY.”
Naging prangka si Tony sa ginawang YouTube video. Pinili niya ang mga mapangahas na assumptions sa kanya.
Isa sa mga sinagot niya ay ang pagiging “malibog” umano niya.
“Guys, who the hell is not horny? Filipinos are so horny.
"We are, like, the number one in Pornhub five years in a row. Wala pa ring nakakatalo sa atin sa buong mundo, okay?”
Noong December 2018, lumabas ang survey na nangunguna ang mga Pilipino—for the fifth consecutive year—sa mga nagbababad sa Pornhub, isang adult site.
“And I’m not saying, like, everybody is horny monster all the time, but we all go through puberty.”
Sabay kabig ni Tony, “Actually, no, I can’t say everybody. There’s some asexual people, e, who don’t get horny.
“I know that in the spectrum of sexuality, there are people who are just not interested.
“But for the most part, I will speak for myself, pangit ba pakinggan na minsan nalilibugan din ako?
“Ewww, that is weird to say. But, yes, I’m human and I do get horny.
“In history, ang hindi talaga nagbabago is war and sex. All is fair in love and war.”
BAD IMAGE
Ilan pa sa madalas na assumptions kay Tony ay “suplado,” “bastos,” at “snob.”
Pero ayon sa aktor, wala man sa hitsura, pero mabait daw siya.
“I think for the most part, the thing that I wanted to clarify is that in my career, a lot of people have tried to assume my sexuality.
“And a lot of people have tried to assume that I’m a very mean person, I’m a snob, I am suplado, bastos ako.
“And a lot of people think I’m a kleptomaniac, or they think I’m not a nice person.
“And I just want to clarify that, I guess, I do have a hard exterior.
"But once you get to know me, I feel like I’m a very nice guy.”
TONY LABRUSCA AIRPORT ISSUE
Naging kontrobersiyal si Tony noong January 2019 matapos mapaulat ang pagmumura at paninigaw umano niya sa Immigration officers sa NAIA Terminal 1.
Nang makabalik sa Pilipinas noon si Tony galing Canada, binigyan lamang siya ng Immigration officers ng 30 days na manatili sa bansa.
Hindi iyon ikinasiya ni Tony, at ito raw ang dahilan para mag-eskandalo siya at pagsalitaan nang hindi maganda ang Immigration officers.
Nagkaroon ng exclusive interview ang PEP.ph noon sa mga Immigration officers na sinigawan at pinagsalitaan umano nang hindi maganda ng aktor.
Pinatotohanan nilang 30 days lang ang ibinigay kay Toni noon dahil tourist visa lang ang hawak niya. Wala rin daw itong hawak na Philippine passport.
Hindi rin daw applicable kay Tony ang Balikbayan Visa Program na mabibigyan ng isang taong pribilehiyo na manatili sa bansa, dahil dumating si Toni na hindi kasama ang kanyang mga magulang.
Isa sa requirements ng programa ay kailangang kasama ng bata/foreign spouse ang kanyang mga magulang/asawa na balikbayan o former Filipinos.
Naglabas naman agad ng official statement si Tony via Twitter. Humingi siya ng dispensa sa Immigration officials na napag-initan niya.
Pero itinanggi ng aktor na minura niya ang mga ito, at hindi rin daw niya ipinagyabang na isa siyang artista.
Sa kasalukuyan, muling uminit ang pangalan ni Tony dahil sa katatapos lamang na online boys love (BL) series na Hello, Stranger. Katambal niya rito ang baguhang Kapamilya actor na si JC Alcantara.
Naging patok ang seryeng ito, kasabay ng lumalaking audience ng BL sa bansa.
Sa katunayan, kumpirmado nang magkakaroon ng movie version ang Hello, Stranger.
Ang pinakahuling teleseryeng nagawa ni Tony ay Mea Culpa: Sino Ang May Sala? (2019).
Makakasama niya sina Julia Barretto, Ronnie Alonte, at Loisa Andalio sa upcoming teleseryeng Cara Y Cruz.
Noong 2019, bumida siya sa Regal movie na Ang Henerasyong Sumuko Sa Love. Earlier this year, nakasama niya si Lovi Poe sa pelikulang Hindi Tayo Pwede.
Naging pantasya naman ng bayan si Tony dahil sa steamy love scenes nila ni Angel Aquino sa kontrobersiyal na 2018 digital movie na Glorious.
Si Tony ay anak ng Kapamilya actor na si Boom Labrusca at dating karelasyong si Angel Jones, isang model at TV personality.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
