Mariing pinabulaanan ni Vice Ganda na binitawan na niya ang alagang si Awra Briguela matapos nitong masangkot sa isang kaguluhan sa The Bolthole Bar, sa Poblacion, Makati City, noong June 29, 2023.
Giit ni Vice, “Yeah, she still is my talent.”
Read: Awra Briguela, pinosasan matapos masangkot sa rambulan sa Makati
Sa exclusive interview ni MJ Felipe na umere sa TV Patrol ngayong Martes ng gabi, August 22, 2023, sinabi ni Vice na nagtataka siya kung saan galing ang balitang binitawan na niya ang anak-anakan at alaga.
Aniya, "Alam mo nagtataka ako kung saan nila nakukuha. One, no one asked me, ikaw lang ang nagtanong sa akin.
"No one asked me. I was not interviewed by anyone kaya nagtataka ako kung saan nila nakukuha ang mga tsikang iniwan ko si Awra."
Tanong pa ni Vice, "Na-interview ba nila si Awra?
"Kasi, Awra cannot be interviewed, bawal din siya magbigay ng mga interview. San kaya nila nakukuha?
“Sabi ko, 'Grabe talaga yung clout-chasing, yung para magamit yung issue, magamit yung pangalan ko, magamit ang pangalan ni Awra.”
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
Bilang manager, paano niya hinandle ang isyu sa kanyang alaga?
Sabi ni Vice, “Pinagpahinga ko muna siya ng ilang araw. Hindi right away para mahimasmasan. Coz ako din, papahupain ko, kasi siyempre galit din ako, mainit din ang ulo ko.”
Kinausap din daw ni Vice si Awra sa harap ng ama nito.
Aniya, "Yung usapan na ito is everything coming from concern, love, and support.”
"SHE NEEDS GUIDANCE."
Tumanggi naman si Vice na pag-usapan ang mga isyu ni Awra, pero tiniyak nitong hinding-hindi niya iiwanan ang alaga.
Sabi ng It's Showtime host, “Yung mga issues na yan, hindi ko na muna ita-tackle…
"Pero ito lang ang gusto kong klaruhin, hindi kami naghiwalay ni Awra. Hinding-hindi ko siya iiwanan lalung-lalo na sa posisyong ito ng buhay niya.
"She needs guidance. I will be there for her. She’s okay and she’s trying to be better each day.”
Ano ang mga aral na nais niyang matutunan ng alaga dahil sa insidente?
Saad ni Vice, “Wala na tayong magagawa, nangyari na yun, e. Magsisihan pa ba tayo, di ba? Magmumurahan pa ba tayo?
"So what can we learn from this especially… what can you learn from this experience?
"How can this experience strengthen you as a person, as human being, and empower you as a person?
"What can you learn from this? How can this experience make you a better person?"
Sa ngayon, nahaharap sa patung-patong na reklamo si Awra sa Makati City Prosecutor’s Office.
Read: Awra Briguela faces three more additional complaints filed by Mark Christian Ravana
