Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Vice Ganda on reports TV5 rejected his camp's offer: "Fake news."

by Arniel C. Serato
Jul 22, 2020
Vice Ganda headlines Gabing Gabi Vice on his own Vice Ganda Network weeks after ABS-CBN failed to secure a fresh legislative franchise from Congress.
PHOTO/S: Noel Orsal

"Fake News!"

Ito ang reaksiyon ni Vice Ganda sa balitang tinanggihan diumano ng TV5 management ang alok ng kanyang kampo na mag-show ang comedian-host sa network.

Ayon sa mga lumabas na report sa tabloids, tatlong milyong piso umano ang asking talent fee per month ng It’s Showtime host para sa isang weekly TV show.

Ibig sabihin, P750,000 ang talent fee niya per episode.

Ngunit, ayon sa report, kagyat daw itong tinanggihan ng TV5 management.

Sa kanyang Twitter kagabi, July 21, tinawag ni Vice na "fake news" ang balita.

Nanggagalaiting sabi ni Vice: “Mga Bulaang Bwakanang ULUL!!! #PekFakeNews

Sinamahan niya ito ng screenshot ng isang blogsite na merong article headline na: “Ang mahal! TV5 reportedly rejects Vice Ganda after the comedian’s camp asks 3-M pesos talent fee.”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi rin ni Vice ang kaparehong screenshot kagabi.

Sabi niya sa caption, “Mga ULUL! “Mga bulaang ulul!!!


HOT STORIES

IS TV5 ACCEPTING ABS-CBN talents?

Bagamat itinanggi ni Vice na may negosasyon sa pagitan ng kampo niya at ng TV5, isang TV5 insider ang nagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang management ni Vice ang nag-alok sa istasyon para kunin ang serbisyo ng box-office star at TV host.

Continue reading below ↓

Sinusugan ng source ang usap-usapang mataas masyado ang talent fee ng 44-year-old star.

Sabi pa ng source, "Sino ba ang nangangailangan kanino ngayon?"

Sa report naman ng bilyonaryo.com.ph, may dalawang linggo na ang nakararaan, natuto na raw ang may-ari ng TV5 na si Manny Pangilinan sa pagkalugi ng network nang nagsisimula ito.

May pamagat ang artikulo na: "Natuto na! MVP avoids top ABS-CBN stars, taps Mediaquest prexy to handle TV5 wannabes"

Noong nabili ng MVP Group of Companies ang TV5 mula sa Malaysian investors nito, naging agresibo ang kumpanya sa pag-recruit ng malalaking pangalan sa showbiz upang pumirma sa kanila ng kontrata.

Ilan sa mga kinuha nila ay sina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, at Nora Aunor.

Ayon sa report, ngayon ay umiiwas na si MVP sa malalaking artistang nawalan ng trabaho sa pagsasara ng ABS-CBN, at dapat daw ay dumaan ang mga negosasyon sa bagong TV5 President na si Robert Galang.

Continue reading below ↓

Kung tutuusin, walang masama kung magkaroon ng programa si Vice sa TV5.

Bagamat mayroon pa siyang natitirang programa sa ABS-CBN, ang It's Showtime, kinansela na ang exclusive contracts ng lahat ng mga artista ng Kapamilya network.

Ito ay matapos ibasura ng Kongreso ang franchise renewal application ng ABS-CBN noong July 10.

Maliban dito, ang nangangalaga sa career ni Vice ay ang Viva Artists Agency.

Samantala, nakatakdang mapanood si Vice sa kanyang bagong online show na Gabing Gabi Vice sa bago niyang lunsad na Vice Ganda Network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda headlines Gabing Gabi Vice on his own Vice Ganda Network weeks after ABS-CBN failed to secure a fresh legislative franchise from Congress.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results