Vilma Santos looks back on her pasaway days: "I was so unprofessional."

by Bernie V. Franco
Dec 7, 2020
Vilma Santos: “Mas mainit ang ulo ko nun. Mas sira ang ulo ko noon compared now."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

“Pasaway ako nun.”

Ito ang pag-amin ni Vilma Santos, 67, nang ibahagi ang tungkol sa kanyang kabataan.

Tinitingala siya bilang isa sa pinakamaningning na bituin sa showbiz at iginagalang bilang isang public servant.

Kilala rin sa bansag na Star for All Seasons, si Vilma ay kasalukuyang representative ng sixth district ng Batangas.

Halos anim na dekada nang nasa showbiz si Vilma, na nagsimulang umarte sa edad na siyam.

Sa panayam sa kanya ng celebrity photographer na si Raymund Isaac noong December 5, 2020, ibinahagi ng actress-politician ang tungkol sa kanyang pagiging “pasaway” at “unprofessional”noong kabataan niya.

Inusisa muna si Vilma kung ano ang ginagawa niya kapag wala siya sa mood.

“Sometimes, when I’m feeling low… halimbawa, malungkot ako, o bad mood ako, o mainit ang ulo ko, alam mo, nagkukulong na lang ako sa kuwarto.

“Halimbawa, meron akong pupuntahan, I’d rather stay home kesa mahawa ko pa ng pagiging negative ang ibang tao because may sumpong ako," sagot ng mutli-awarded actress.

Continue reading below ↓

Magso-solo raw siya sa isang lugar hanggang gumaan na ang kanyang nararamdaman.

“Pabayaan ko lang lumampas iyon. Bigyan mo lang siguro ako ng ilang minutes o thirty minutes, or one hour.

“Bumababa na rin yung init ng ulo ko, and then I just pray.”

Sa pagkukuwento niyang iyon, nasambit ng grand slam actress na mas malala pa ang ugali niya noong kanyang kabataan.

“Mas mainit ang ulo ko nun. Mas sira ang ulo ko noon compared now.

“Ngayon, mature na ako. And every time meron ganoon akong mga moods, I just pray and iniisip ko lang count your blessings.”

Ipapaalala raw ni Vilma sa sarili kung gaano siya kasuwerte at hindi na siya dapat umangal.

“Ngayon, nari-relize ko, ngayong mature na ako,” diin niya.

WORSE ATTITUDE IN HER YOUNGER YEARS

Pero gaano ba kapasaway noon si Vilma?

“O, grabe! Yung mga edad ko na mga 20 hanggang 27, or 26, pasaway ako noon,” mabilis niyang sagot.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagiging pasaway, naging unprofessional din daw siya noon. Hindi raw siya sumisipot sa mga showbiz commitment niya.

“Meron akong time noon na ano, naglalayas ng bahay. Hindi ako umuuwi sa amin. Nakatira ako sa hotel.

“Naging unprofessional ako sa trabaho ko. Yung shootings, hindi ko sinisipot.

“Minsan darating lang dun yung costume ko, wala ako.”

Vilma Santos Raymund Isaac interview

Continue reading below ↓

Inalala rin ni Vilma ang pagkakataong hindi siya sumipot sa gagawing TV special kahit naroon na ang lahat at siya na lang ang hinihintay. Pumunta raw siya sa ibang lugar.

“Gagawa ako ng VS [Vilma Santos] special sa TV. Ang direktor pa noon si Direk Mitos Villareal. Hindi ko sinipot.

“Nandoon na yung mga guests. Alam mo, hindi ako sumipot sa taping.

“What I did, I went to Baguio. Tinatawagan nila ako. Hindi nila alam nasa Baguio na ako.”

Pag-amin ng aktres, “I was so unprofessional. Those were the days na talagang magulo ang utak ko.”

CONFUSED STAGE

Ayon kay Vilma, iyon daw ang mga panahong may matindi siyang pinagdaanan sa buhay.

“Parang hindi ko alam kung ano ang gusto ko sa buhay. And siguro doon yung part ng learnings.

“Kasi I started in the business young. Parang marami na akong hinahanap.

"Yung pinansiyal ko ba, okay? May bahay ba ako? May utang ako? Bayad… things like that.

Continue reading below ↓

“Dumaan ako sa point na iyon.

“E, ang ginagawa ko, yun pala 'yon… tinatakasan ko ang problema.

“Ang ginagawa ko, umaalis ako pag meron magsasabi sa akin, ‘Oy, meron ka raw kaso sa BIR…’

“Ang gagawin ko, instead of facing it, gagawin ko, lalayas ako, pupunta ako ng Baguio para parang wala akong problema, ganoon.

“Kaso, the worst part, the more na tinakasan ko yung mga problemang iyan, the more na lumalaki yung problema, hanggang lumubog ka na.

“By the time ma-realize mo, lubog ka na, ganoon.”

Noong 1981 ay nagkaroon ng malaking problema si Vilma sa Bureau of Internal Revenue. Naranasan niyang ma-freeze ang kanyang assets sa loob ng isang taon.

Pero tapos na raw ang yugtong iyon sa kanyang buhay.

“Yun yung mga those were the days. Expensive education ang tawag doon,” sambit niya.

Nagsimula noong early ‘60s bilang child star, nagtuluy-tuloy ang showbiz career ni Vilma hanggang sa mga sumunod na dekada.

Continue reading below ↓

Noong 1998, nahalal siya bilang mayor ng Lipa City, Batangas.

Ito ang naging simula ng kanyang political career, at hanggang ngayon ay nagsisilbing public servant.

Pero sa kabila nito, hindi pa rin niya tinatalikuran ang showbiz at nakakagawa pa rin ng mga pelikula.

Huli siyang napanood sa pelikulang Everything About Her ng Star Cinema noong 2016.

Halos tatlong dekada nang kasal si Vilma kay Senator Ralph Recto. May isa silang anak, si Ryan Christian, 24.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos: “Mas mainit ang ulo ko nun. Mas sira ang ulo ko noon compared now."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results