PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Trans woman cries foul over alleged discrimination

“I never felt so discriminated in my whole life."
by Bernie V. Franco
Published Oct 19, 2022
Louis marasigan trans woman zara bgc
Viral ngayon sa social media ang video ng trans woman na si Louis Marasigan matapos niyang makaranas umano ng diskriminasyon sa loob ng boutique ng isang clothing brand sa Bonifacio Global City, Taguig.
PHOTO/S: Facebook (Louis Marasigan)

Kumakalat ngayon sa social media ang videos ng isang trans woman na diumano’y nakaranas ng diskriminasyon sa loob ng isang kilalang clothing establishment sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Himutok ng trans woman na si Louis Marasigan, isang digital creator at konsehal na taga-San Juan, Batangas, na-discriminate siya dahil sa kanyang kasarian noong Martes, October 18, 2022.

Ibinahagi ni Louis ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng Facebook at TikTok.

Sabi ni Louis: “shout out to [name of clothing store] BGC this would be the last time i will ever buy clothes from your store, 2022 na sana naman gumisng na kayo…

“i never felt so discriminated in my whole life, in a place pa where you wont expect discrimination…”

Hinimok din niya ang mga kapwa miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community na huwag bumili sa binanggit niyang clothing store matapos ang kanyang karanasan.

Ang ikinagagalit pa ni Louis, nagreklamo umano siya sa store manager pero hindi siya sinuportahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay sa kabila raw na LGBTQ member din umano ang store manager.

Ani Louis: “PLEASE SHARE FOR AWARENESS IVE NEVER FELT SO ATTACKED BEFORE this moment gave me an ANXIETY ATTACK”

Read: Nursing student sa La Union, hinarang ng school ang pagmartsa sa mismong graduation?

THE INCIDENT IN BGC

Unang ipinost ni Louis ang isang video habang nasa loob siya ng establisimyento noong Martes.

Makikita siyang nasa counter at binabayaran na ang pinamiling damit.

Pero hindi na raw niya ito nasukat dahil pinagbawalan siyang sukatin ang mga ito sa ladies’ fitting room.

Isang female store attendant daw ang sinabihan siyang magtungo sa second floor dahil naroon ang men’s fitting room.

Paglalahad ni Louise sa video, “I clearly stated that I am a trans woman. Sabi niya may mga nagrereklamo daw.

“Hindi ko na pinahaba pa. Hindi na ako nakipag-away. Hindi ko na lang sinukat. Binili ko na lang yung mga damit."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinundan ito ni Louis ng isa pang video na mas detalyado ang paglalahad ng pangyayari.

Makikitang emosyonal na si Louis sa two-minute video.

Aniya, matapos niyang bumili ng mga damit sa women’s section, nagtungo siya sa women's fitting room.

Lumapit ang isang female attendant ng boutique at sinabihan daw siya ng, “Sir, sa taas po kayo.’”

Naroon daw kasi ang men’s fitting room.

Ipinaliwanag ni Louis na hindi siya lalaki, kundi isang trans woman, pero nagpumilit umano ang attendant dahil baka may ibang customers daw na magreklamo.

Ito ay sa kabila raw na maraming bakanteng pambabaeng fitting rooms.

“Pero hindi iyon yung point. Hindi kasi ako lalaki,” himutok ni Louis.

Pagdating sa cashier, ipinatawag daw ni Louis ang store manager, na aniya'y member din ng LGBTQ community.

Inakala raw ni Louis na pagsasabihan ng store manager ang female attendant, pero hindi ito ang nangyari.

“Sabi niya [manager] lang, ‘Okay na po ba? Tapos na po ba yung complaint?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na raw nagsalita si Louis.

Bago matapos ang video, nanawagan si Louis sa kanyang mga kabaro na huwag suportahan ang clothing store boutique.

LGBTQ ADVOCATE CRITICIZE STORE ESTABLISHMENT

Nakarating sa LGBTQ advocate na si Mela Habijan, na isa ring trans woman, ang hindi magandang karanasan ni Louis.

Ngayong araw, nag-post si Mela para kondenahin ang sinapit ni Louis.

“MISS Louis Marasigan IS NOT A MAN. MISS LOUIS IS A TRANS WOMAN, WHO FREELY EXPRESSES AS A WOMAN.

“MISS LOUIS IS A WOMAN BECAUSE TRANS WOMEN ARE WOMEN.”

Sabi ni Mela, hinusgahan si Louis base sa kanyang gender identity.

“And a lot of Filipinos still don’t recognize trans women as women. Dahil sa pisikal — katawan, boses, hitsura, at ari na mayroon kami,” ani Mela.

Nanawagan si Mela na makipag-usap sa mga tauhan ng clothing brand para sa sexual orientation, gender identity, gender expression and sex characteristics (SOGIESC) awareness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panawagan pa ni Mela: “To Taguig LGU, let’s strictly implement the Anti-Discrimination Ordinance and prevent instances like this from happening again. Let’s make Taguig Inclusive.”

Kalakip sa post ni Mela ay ang kopya ng ordinansa ng Taguig na nagbabawal sa diskriminasyon sa kahit sino base sa kasarian, relihiyon, ethnicity, at iba pa.

Nakasaad pa ritong may penalties para sinumang mapapatunayang lumabag sa ordinansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, tinawagan ng PEP.ph ang business number ng clothing store na inirereklamo ni Louise, pero hindi sinagot ang aming tawag.

Nagpadala rin kami ng mensahe na humihingi ng kanilang reaksiyon kaugnay ng isyu, pero hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga sangkot sa isyu.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viral ngayon sa social media ang video ng trans woman na si Louis Marasigan matapos niyang makaranas umano ng diskriminasyon sa loob ng boutique ng isang clothing brand sa Bonifacio Global City, Taguig.
PHOTO/S: Facebook (Louis Marasigan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results