May movie version na ang Jowable, ang six-minute short film ni Darryl Yap na nag-viral sa Facebook noong August 2018.
Ang Viva Films ang producer ng Jowable, at ito ang launching movie ni Kim Molina na grateful dahil sa big break na ipinagkatiwala sa kanya ng mother studio niya.
"I am very excited and, at the same time, nervous for my launching film under Viva Films. I'm also thankful sa Viva family ko for this opportunity.
"Makakasama ko po sa Jowable sina Miss Cai Cortez, Chad Kinis, Cacai Bautista, Jerald Napoles, Kedebon Colim is also part of it," ang excited na pahayag ni Kim, na tatapusin muna ang filming ng launching movie niya bago siya bumalik sa rock musical na Rak of Aegis, sa August 2019.
Taong 2009 noong unang lumabas si Kim sa telebisyon, kung saan nag-guest siya sa ASAP. Taong 2014 nung nagkaroon ito ng support role sa Maalaala Mo Kaya.
At present, kasama ito sa ABS-CBN series na The General's Daughter.
Samantala, introducing sa Jowable si Jobelyn Manuel, ang original star ng hugot short film.
Magsisimula sa June 16 ang shooting ng Jowable, na unang mainstream movie project ni Darryl, ang founder ng independent theatre group na SaWakas.
Si Darryl ang direktor ng hugot short films na popular sa millennials na mapapanood sa VinCentiments Facebook page. Siya rin ang sumulat at direktor ng short film na ginamit ni Senator Sonny Angara sa senatorial campaign nito sa midterm polls noong May 13, 2019.
"I am overwhelmed Papa God, sobra pong pasasalamat ng paulit-ulit for blessing me with people who continue to inspire, push and believe in my craft. Thank you my Viva and VinCentiments family," ang pasasalamat ni Darryl.