ABS-CBN, inaksyunan na ang reklamo laban kay Doris Bigornia

IMAGE Facebook
Reklamo ni MMDA spokesperson Celine Pialago (kaliwa) laban sa ABS-CBN News reporter na si Doris Bigornia, iniakyat na sa Office of the Network Ombudsman ng ABS-CBN.

Inilabas ng ABS-CBN management ngayong Huwebes ng hapon, August 8, ang kanilang official statement tungkol sa reklamo ni Metro Manila Development Authority Assistant Secretary Celine Pialago laban sa ABS-CBN news reporter na si Doris Bigornia.

Nakasaad sa pahayag ng ABS-CBN management na ipinaubaya nila sa Office of the Network Ombudsman ng Kapamilya Network ang pag-iimbestiga sa kaso.

Nag-ugat ito sa paratang ni Pialago na biktima siya ng pananakit, paninigaw, at paninira ni Bigornia.

Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN:

"The complaint against Doris Bigornia has been elevated to the Office of the Network Ombudsman in ABS-CBN. This is to ensure an independent and impartial investigation.

"Our news head, Ging Reyes, recognizes the need for a thorough inquiry into the matter, which she expressed in her response to MMDA spokesperson Celine Piago [sic].

"In ABS-CBN News, we expect our journalists to uphold the highest standards in journalism ethics and to adhere to the network’s Code of Conduct for employees, both of which require them to behave professionally at all times.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Any allegations of deviation from these will be dealt with seriously."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close