Eagle Riggs, naging emosyunal sa pagkikita nila ng nakabangga sa kanya

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2019
Ang emosyunal na pagkikita ng comedian-TV host na si Eagle Riggs at ang construction worker na si Rey Pacaldo na nakabangga sa kanya.
PHOTO/S: Screen grab from Michael Eagle Riggs YouTube

Nakakaantig ng puso at nakakaiyak ang panaghoy ng comedian at TV host na si Michael "Eagle" Riggs nang makaharap niya nang personal si Rey Vincent A. Pacaldo.

Si Pacaldo ang construction worker at driver ng motorsiklong nakabangga sa kanya noong August 18 sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan.

Naka-confine si Eagle sa MMG-PPC Cooperative Hospital at dito siya dinalaw ni Pacaldo, na bumuhos din ang luha habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Imbes na sumbatan ang akusado, umiiyak na tinanong ni Eagle si Pacaldo: "Anong kasalanan ko sa 'yo? Bakit ako?"

Nagawa pang itanong ni Eagle sa nakabangga sa kanya kung nagkaroon din ito ng mga galos sa katawan.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka matulin magpatakbo, tapos wala kang headlight?

"Isipin mo na lang yung mga tao, yung mga tao na madadaanan mo.

"Yung mga hayop, aso, pusa, tumatawid, may buhay ‘yan, e, tao pa kaya?

"Alalahanin mo yung mga tao, buhay ‘yan.

Continue reading below ↓

"Bakit ako? Tumatawid lang ako?

Sabi pa ni Eagle kay Pacaldo: "Mag-ingat ka sa pagmamaneho mo, ha? Huwag kang iinom ng alak kapag magmamaneho, ha?

"Mahalin mo ang pamilya mo, may maliliit ka pang mga anak.

"Ayokong makulong ka nang matagal.

"Papaano na yung mga anak mo? Papaano na yung kinabukasan nila?

"Yung asawa mo, yung nanay mo na hirap na hirap na hirap na?

"At least, ikaw, nandiyan ang nanay mo. Ang nanay ko, ang pamilya ko, malayo.

"Ang layo-layo nila sa akin. Gusto nila akong tulungan, wala silang magawa.

"Magpapakabait ka, ha? Magdadasal ka palagi.

"Matagal pa itong galingan ko, aabutin pa ito ng mga anim na buwan pa siguro bago ako makalakad, pero ikaw okey ka na.

"Mahalin mo ang pamilya, mahalin mo ang mga anak mo. Mag-ingat ka magmaneho, ha?

"Saka kapag nakita mo ako sa kalsada, bumusina ka, ha?

"Kahit sino, kahit hindi ako, kahit ordinaryong tao ‘yan, bumusina ka.

Continue reading below ↓

"Tao ‘yan, buhay ‘yan. May mga pamilya ‘yan.

"Bawat isang tao na ma-encounter mo, meron ‘yang pinagdadaanan na problema rin.

"May kanya-kanya tayong pinaglalabanan na giyera sa buhay," ang malumanay ang boses na mga payo ni Eagle kay Pacaldo.

Pero sa huli, mas nangibabaw ang emosyon ni Eagle kaya umiyak na siya nang tuluyan.

Mabigat sa dibdib ang malakas na panaghoy ni Eagle sa video ng pagtatagpo nila ni Pacaldo, pero mararamdaman ang kabutihan ng kanyang pusong may kakayahang patawarin ang tao na nagkasala sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang emosyunal na pagkikita ng comedian-TV host na si Eagle Riggs at ang construction worker na si Rey Pacaldo na nakabangga sa kanya.
PHOTO/S: Screen grab from Michael Eagle Riggs YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results