Fake talent manager na nag-alok ng nude pictorial kay Marco Gumabao, inaresto dahil sa pangmomolestiya

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2019
Ang pekeng talent manager na si JR Kison ang nag-alok noon sa aktor na si Marco Gumabao (nasa larawan) na mag-nude pictorial kapalit ng P2 million. Nitong Sabado, August 31, inaresto si Kison dahil sa pangmomolestiya diumano ng mga menor de edad na kalalakihan.
PHOTO/S: Noel Orsal

Noong October 23, 2018, inilabas ng Cabinet Files ang report tungkol sa indecent proposal kay Marco Gumabao ng isang gay na nagngangalang "JR."

Dalawang milyong piso ang alok ni JR kay Marco para sa frontal nudity pictorial na gagamitin sa calendar na ipamimigay umano niya sa mga VIP gay.

Ginamit ni JR ang mga sexy interview kay Marco na lumabas sa mga diyaryo para kumbinsihin ang aktor na tanggapin ang offer niya.

Sinagot ni Marco ang mga mensahe sa kanya ni JR dahil patuloy ito sa pagpapadala ng mga mensaheng malalaswa at pangungulit na pumayag siya sa nude pictorial.

Mensahe ni Marco sa tila obsessed sa kanyang gay:

"Why don’t you personally bring the newspaper to me? Baka mapalo ko pa sa ulo mo hahaha.

"You’re really that desperate huh Jr? Kawawa ka naman. Hanap ka ng ibang lalaki diyan na papayag sa ’yo. Fucking creep.

"Wala akong paki if there’s an article like that.

Continue reading below ↓

"Cos I’ll never strip naked for gays like you. I don’t have to prove anything to you. Believe the article if you want. Sana ikatuwa mo yan!

"I don’t really care if there’s an article hahaha.Now, I’m gonna block your ass so stop contacting me.

"May respeto ako sa gays, sayo lang wala. Hahaha, kadire ka."

Naalaala namin ang report ng Cabinet Files tungkol sa indecent proposal kay Marco dahil noong Sabado, August 31, ibinalita ng mga news program ng GMA-7 at ABS-CBN ang pagdakip kay JR Kison sa isang entrapment operation ng NBI Interpol Division.

Sinampahan si Kison ng qualified human trafficking dahil sa reklamo ng kanyang 16-year-old victim na inalok niyang mag-artista at maging modelo.

Nagpapanggap na talent manager ang modus ni Kison, dinala nito sa isang condominium unit sa Tagaytay City ang biktima, pinilit na uminom ng alak, at inabuso.

Continue reading below ↓

Mariing itinanggi ni Kison ang mga paratang laban sa kanya dahil pineperahan lamang daw siya ng menor de edad na complainant.

Mula nang pumutok ang balita, isa-isa nang lumalantad ang mga naging biktima ni Kison na nagsabing inabuso rin sila ng suspect at nakahubad na kinunan ng litrato.

May mga ibang mga biktima na pinili na lamang na manahimik dahil sa kahihiyang dinanas nila.

Hinihikayat ng NBI ang ibang mga biktima na magsalita na para lalong maging matibay ang mga kaso laban sa fake talent manager na minsan nang nagtangkang biktimahin si Marco Gumabao.

Read Next
Read More Stories About
Marco Gumabao, JR Kison
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pekeng talent manager na si JR Kison ang nag-alok noon sa aktor na si Marco Gumabao (nasa larawan) na mag-nude pictorial kapalit ng P2 million. Nitong Sabado, August 31, inaresto si Kison dahil sa pangmomolestiya diumano ng mga menor de edad na kalalakihan.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results