Janno Gibbs, sinabi ang dahilan kung bakit hindi siya napapanood sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2019
Janno Gibbs: "I’m not denying na hindi pa ganoon kaganda ang situation with ABS-CBN, but I’m hoping na maayos soon because I still love to work with ABS."
PHOTO/S: Noel Orsal

Magdiriwang si Janno Gibbs ng 50th birthday sa September 16, 2019.

Ayon sa kanya, marami siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil sa mga pagsubok na napagdaanan nila ng pamilya niya.

"I’m turning fifty on my birthday so big 5-0.

"Plans, wala. Sinabi ko sa sarili ko, work muna.

"After this, I still have... hindi pa ipinapalabas yung movie na bida si Dingdong Dantes [A Hard Day], so I have that.

"And then, may susunod pa ako na isu-shoot.

"So, sabi ko, saka na ako magse-celebrate.

"Basta trabaho muna ako kasi matagal din ako na hindi nag-work," pahayag ni Janno nang makausap siya ng Cabinet Files sa red-carpet premiere ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na ginanap sa SM Megamall Cinema 1 kagabi, September 2.

Sina Dennis Padilla at Andrew E ang mga co-star ni Janno sa comedy movie ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa Miyerkules, September 4.

Sa tatlong mga bida ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, si Janno lamang ang hindi nakapag-promote ng kanilang pelikula sa mga programa ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Isa ito sa mga isyu na sinagot niya.

Pahayag ng singer-comedian, "Chance ko na ‘to, first of all, I wanna thank ABS-CBN for letting my friends promote.

"And for the movie, nakikita ko, lumalabas yung trailer namin, thank you."

Inamin din ni Janno na hindi maganda ang sitwasyon niya ngayon sa ABS-CBN dahil sa Instagram post niya noong November 2018, kung saan sinagot niya ang ilang fans kung bakit wala siya sa Christmas station ID ng Kapamilya network.

Kalakip ng larawan niya nang pumirma siya ng kontrata sa Star Music ang hashtag na ito: "Wag n'yo ko hanapin sa station id at asap nila yan"

Sabi pa ni Janno sa caption: "Throwback to Sept. 12 this year when I signed w @starmusic.ph. Naalala ko lang. Sila yata di ako naalala e."

Pero pagkalipas ng ilang oras ay binura rin ito ni Janno.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Janno ay nagpaliwanag siya sa Instagram post na iyon.

Continue reading below ↓

Saad niya, "I’m not denying na hindi pa ganoon kaganda ang situation with ABS-CBN, but I’m hoping na maayos soon because I still love to work with ABS.

"Alam niyo, yung IG post ko naman, if you look at the original IG post, after nung seemingly negative comment, merong laughter and peace sign because I’m a comedian.

"So, in jest naman yung ano ko… may halong patawa yung post ko.

"Hindi ko inaalis sa mga boss na masaktan sila, and I’m sorry for that.

"Tinake down ko naman yung post ko kasi nga naisip ko na, 'Ay, naku, baka dibdibin nila ito, e, nagpapa-cute lang naman ako.'

"So I’m hoping everything soon, makapagtrabaho ako sa ABS," mensahe na ipinararating ni Janno sa management ng Kapamilya Network.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs: "I’m not denying na hindi pa ganoon kaganda ang situation with ABS-CBN, but I’m hoping na maayos soon because I still love to work with ABS."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results