Roxanne Barcelo, hindi natuloy ang planong mag-quit sa showbiz

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2019
Roxanne Barcelo, damang-dama ang pagkanta ng "Somewhere Over the Rainbow" sa TNT Celebrity Champions. Ayon sa ina ni Roxanne na si Mrs. Rose Barcelo, nakita niya ang imahe ng pumanaw na asawa habang kumakanta ang anak.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Screen grab from ABS-CBN

Now it can be told.

Early this year, nagdesisyon si Roxanne Barcelo na mag-quit sa showbiz at mag-migrate sa Amerika dahil hindi na siya kuntento sa takbo ng kanyang acting career.

College graduate si Roxanne kaya kinuha na nito ang kanyang transcript of records na kailangan para sa mga kompanya sa Amerika na balak niyang pasukan.

Ang kasunduan nilang pamilya, mauunang lumipad sa Amerika ang kanyang mga magulang at susunod si Roxanne makalipas ang dalawang linggo para sa “for good” na pananatili niya sa U.S.

Pero hindi nangyari ang plano dahil biglang binawian ng buhay ang ama ni Roxanne sa USA noong June 30, 2019.

At kung kailan desidido na siyang talikuran ang showbiz, parang tukso na sunud-sunod ang alok na movie at television assignments kay Roxanne.

Ang sudden demise ng kanilang ama rin ang dahilan para bumalik ng Pilipinas ang younger brother ni Roxanne na US-based para magkasama-sama na sila.

Continue reading below ↓

Kahapon, October 9, sumali si Roxanne sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime.

Siya ang tinanghal na daily winner dahil sa kanyang very impressive rendition sa 1939 classic song na "Somewhere Over the Rainbow."

Ang nanay ni Roxanne na si Mrs. Rose Barcelo ang nakausap ng Cabinet Files sa presscon ng The Art of Ligaw, ang pelikula ng kanyang anak na pinagbibidahan nina Epy Quizon at KZ Tandingan.

Ikinuwento ni Mrs. Barcelo ang kanyang malakas na pananalig sa Diyos kaya Ito ang naging sandigan niya habang kumakanta si Roxanne.

Ipinaubaya raw niya sa Panginoong Diyos ang kapalaran ni Roxanne kaya hindi siya nakaramdam ng kaba.

Ipinagtapat din ni Mrs. Barcelo na habang kinakanta ni Roxanne ang "Somewhere Over the Rainbow," nakita niya sa stage ng It’s Showtime ang imahe ni Tony, ang kanyang pumanaw na asawa.

Nagiging emosyonal si Roxanne sa tuwing napag-uusapan ang tatay niya dahil ito ang nag-encourage sa kanyang balikan ang pagkanta.

Continue reading below ↓

“Sayang ang boses mo” ang sabi kay Roxanne ng kanyang ama.

Kahapon, marami ang ginulat ng sexy actress dahil ipinakita nitong tama ang sinasabi ng tatay niya.

Marami ang napaluha sa soulful rendition ni Roxanne ng "Somewhere Over the Rainbow" at pare-pareho ang sinasabi ng lahat, ramdam nila na mula sa puso ang kanyang pag-awit sa kanta na iniaalay niya sa sumakabilang-buhay na ama.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roxanne Barcelo, damang-dama ang pagkanta ng "Somewhere Over the Rainbow" sa TNT Celebrity Champions. Ayon sa ina ni Roxanne na si Mrs. Rose Barcelo, nakita niya ang imahe ng pumanaw na asawa habang kumakanta ang anak.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results