James Reid admits living in with Nadine Lustre

Mar 10, 2019
James Reid reveals about his relationship with Nadine Lustre: "Yes, we live together."
PHOTO/S: @vivaliveofficial on Instagram

Inamin ni James Reid na nagsasama na sila ni Nadine Lustre sa iisang bubong.

Nangyari ito sa episode ng Gandang Gabi Vice ngayong gabi, March 10.

Unang napag-usapan ang tungkol sa ikatlong anibersaryo ng relasyon nila ni Nadine.

Sabi ni James tungkol dito, "It's actually my longest relationship."

"It doesn't feel like three years. It's been so fast."

Tanong ni Vice, "Kinikilig ka pa din?"

Sagot ni James, "Yes."

Nagbigay naman si Vice ng pananaw niya tungkol sa relationships.

Sabi ng TV host, "Kasi, di ba, yun ang fear ng madami, lalo na pag tumatagal?

"Yung ang daming nagbabago na hindi mo namamalayan—nagbabago yung feelings mo, yung emotions mo, yung dating excitement...

"Kapag nagkikita kayo, lalo na pag lagi kayo nagkikita, parang nawawala."

Diretsahan namang sinabi ni James, "We live together, so like... oh."

Dito na nagsigawan ang mga taong nanonood sa studio.

Tila nagulat naman si James sa naging reaksiyon ng mga tao at sinabing, "Did you know that? Okay, well, we live together."

Continue reading below ↓

Natawa si Vice sa naging reaksiyon ni James at inapiran ito pagkatapos.

Sabi ni Vice tungkol dito, "Alam mo, it's okay, kasi 'yan si James at saka si Nadine, we've accepted the real Nadine and the real James Reid

"Yung parang, no sugarcoating, just real.

"E, ganun naman kayo, di ba? Whether you like it or not, you accept it or not, this is us.

"So, just be free to be real."

Patuloy naman ni James, "Well, yes, we live together and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita and there's no space, sometimes, you get too comfortable.

"But then, there are days na she's working, super busy, parang ganun and when she gets home, it's like, yeah, we really miss each other still, kahit isang araw lang."

Sa kasalukuyan, busy ang dalawa sa kani-kanilang projects.

Si Nadine ay nagpu-promote ng pelikula niyang Ulan, habang si James naman ay abala sa kanyang upcoming concert kasama sina Billy Crawford at Sam Concepcion, bukod sa pagiging judge ng Idol Philippines.

Continue reading below ↓

THE BIG QUESTION

July 2017 nang unang natanong si Nadine kung sila ba ay nagli-live in na ni James.

Sagot ni Nadine, "If that was true, so what?"

READ: Nadine Lustre shrugs off negative reaction to her statement about living-in

Noong January 2018 naman, sa Gandang Gabi Vice guest appearance ng JaDine love team, tinanong ni Vice ang dalawa kung magkatabi ba silang natutulog.

Ang naging sagot lang ng dalawa, magkatabi silang matulog kapag nasa "shoot, sa bus, sa plane."

READ: Vice Ganda puts James Reid, Nadine Lustre on hot seat: "Magkatabi ba kayo natutulog?"

Noong February 26, 2019, sa press conference ng pelikulang Ulan, ay muling natanong si Nadine tungkol dito.

Natatawang sagot lang ni Nadine, "Bakit mo ba tinatanong 'yan? “My God, kayo na pong bahala diyan na sumagot."

Bagamat gustong sarilinin ni Nadine ang living arrangement nila ng boyfriend noong panahon na yun, diretso namang sumagot ang 25-year-old actress tungkol sa pagpapakasal.

Sa ngayon daw ay hindi pa niya nakikitang mangyayari ito sa kanila ni James dahil masaya sila sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon at hindi naman daw sila nagmamadali.

Continue reading below ↓

READ: Nadine Lustre keeps living arrangement with James Reid private

Unang nalantad sa publiko ang relasyon nila James at Nadine noong February 20, 2016, sa JaDine In Love concert na ginanap sa Araneta Coliseum.

February 11 daw nang taong iyon nang inamin ni James ang tunay niyang nararamdaman para kay Nadine, sa pamamagitan ng isang dinner date.

READ: James Reid says he admitted relationship with Nadine Lustre not because of the fans

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid reveals about his relationship with Nadine Lustre: "Yes, we live together."
PHOTO/S: @vivaliveofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results