Kampo ni Nadine Lustre, naalarma sa tambalang James Reid-Nancy McDonie?

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2019
May kinalaman ba ang cryptic post ng ama ni Nadine Lustre sa gagawing proyekto ni James Reid sa ABS-CBN, kung saan ang makakatambal nito ay ang Momoland member na si Nancy MCDonie?
PHOTO/S: Rose Garcia / Dreamscape Instagram

Binura ng tatay ni Nadine Lustre na si Ulysses Lustre ang "Flop, High Gross" Facebook post niya ngayong Biyernes ng umaga, October 11.

Ito ay matapos ang paglilinaw na wala siyang partikular na taong tinutukoy, taliwas sa espekulasyon ng marami na si Kathryn Bernardo ang pinatututsadahan ng ama ni Nadine.

Pahayag ni Ulysses: "My posts does not pertain to anybody in particular. The word 'I' means ME as the writer, 'US' means the THE TWO OF US and 'YOU' is not a particular person. In english 'YOU' is also used to pertain to a GROUP of people."

Ang clarification ni Ulysses ang dahilan para magkaroon ng mga haka-hakang posibleng patungkol sa mga executive ng isang TV network ang kanyang cryptic post.

Dati-rati, nasa background lamang ang ama ni Nadine.

Ang Facebook post niya ngayon at noong October 9 ang isa sa mga bihirang pagkakataong nagsalita siya tungkol sa career ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

May mga naghihinalang may kinalaman ito project na gagawin ni James Reid at ng Momoland member na si Nancy McDonie sa ABS-CBN.

Ito ang pagkakaintindi nila sa "You feel threatened, you’re desperate to break US apart" cryptic message ng tatay ni Nadine.

Nang i-announce ang TV series na pagsasamahan nina James at Nancy, halos magkasunod ang mga cryptic post ni Ulysses sa Facebook at ng kanyang misis na si Myrquel sa Instagram.

Naka-tag si Nadine sa now-deleted Instagram post ng kanyang ina: "Just in case you have forgotten today: You matter.You are loved.You are worthy.You are magical."

Naalarma ang fans ni Nadine sa announcement noong nakaraang linggo na magtatambal sina James at Nancy sa isang TV series na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.

Ito ay dahil sa pangambang baka ito ang maging umpisa ng pagkabuwag ng love team at real-life relationship nina James at Nadine.

Hindi rin nila matanggap na si Nancy at hindi si Nadine ang kapareha ni James sa TV series.

Continue reading below ↓

May fans ang JaDine na umaapela kay James na i-reconsider nito ang desisyong makipagtambal kay Nancy.

Pero imposible nang mag-back out ang aktor dahil ang TV series na gagawin niya sa Dreamscape ang isa sa mga project ng tinanggap ng kanyang ama na si Malcolm Reid bilang bagong business manager niya.

Malabong mapagbigyan ni James ang hiling ng fans nila ni Nadine dahil ang credibility at integrity ng kanyang ama ang masisira sa mga kausap nito kung hindi niya itutuloy ang project na gagawin nila ni Nancy.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May kinalaman ba ang cryptic post ng ama ni Nadine Lustre sa gagawing proyekto ni James Reid sa ABS-CBN, kung saan ang makakatambal nito ay ang Momoland member na si Nancy MCDonie?
PHOTO/S: Rose Garcia / Dreamscape Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results