Nadine Lustre, tutol sa pakikipagtambal ni James Reid kay Nancy?

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2019
"At last someone finally understood" ang sagot ni Ulysses Lustre, ama ng aktres na si Nadine Lustre (nasa larawan), sa isang JaDine supporter na nakiusap na ipa-realize kay James na dahan-dahan ang aksiyon ng ABS-CBN na buwagin ang JaDine love team kaya ipinareha ang aktor kay Nancy McDonie ng Momoland.
PHOTO/S: Mark Atienza

Nanghihinayang umano si Nadine Lustre sa desisyon nitong mag-back out sa Miracle in Cell No. 7.

Si Nadine ang original choice para gumanap na anak ni Aga Muhlach sa Philippine adaptation ng 2013 hit Korean movie na nagpaluha sa maraming Pilipino.

Kailangan niyang magpahinga at magbakasyon mula sa mga trabaho ang sinabi noon ni Nadine na dahilan ng kanyang desisyong huwag gawin ang pelikula na pagsasamahan nila ni Aga Muhlach.

Si Bela Padilla ang ipinalit kay Nadine, na may dahilan para manghinayang dahil kahit maiksi, markado ang role bilang grown-up daughter ng karakter ni Aga sa Miracle in Cell No. 7.

Incidentally, naging habit na ni Ulysses Lustre na burahin ang mga intriguing at cryptic post niya sa kanyang Facebook account.

Si Ulysses ang ama ni Nadine na hindi nakatiis magsalita sa pamamagitan ng isang cryptic post bilang pagtatanggol sa kanyang anak.

Pero burado na ito.

Deleted na rin ang Facebook post ni Ulysses tungkol sa legal action na pinaplano nito laban sa bashers at sa mga taong pinaratangan niyang bully.

Continue reading below ↓

And we quote, “And to all the people who trespassed in my domain, leaving foul languages and vexations, your bullying days are over.

"May you be hiding in fake identifications and accounts, your IP address doesn't lie.

"A team of IT's, I hired yesterday is already working to flush you out. Not to mention the lawyers gathering enough evidence.Now let’s see how cybercrime law works.”

Noong nakaraang linggo, inilabas ng Cabinet Files ang report na patungkol sa ABS-CBN ang cryptic post na ito ni Ulysses:

“Facebook says, ‘What’s on your mind?’ I guess it means that I’m entitled to rant, once in a while.

"Here it goes: I’m a Flop and you’re High Gross, what are you afraid of?”

“You feel so threatened, you’re desperate to break US apart.

Continue reading below ↓

"I hope someday you get what you deserve. What comes around goes around.”

Lumitaw na may katotohanang para sa ABS-CBN ang cryptic post niya dahil sa sagot ni Ulysses sa mensahe sa kanya ng isang fan nina Nadine at James Reid.

"At last someone finally understood," sagot ni Ulysses sa JaDine supporter na nakiusap na ipa-realize niya (Ulysses) kay James na dahan-dahan ang aksiyon ng ABS-CBN na buwagin ang JaDine love team kaya ipinareha ang aktor kay Nancy McDonie ng Momoland.

Ang short but telling response ni Ulysses sa fan ng JaDine ang tila kumpirmasyon sa kumakalat na balitang tutol na tutol at labag sa kalooban ni Nadine ang partnership nina James at Nancy sa isang drama series ng ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"At last someone finally understood" ang sagot ni Ulysses Lustre, ama ng aktres na si Nadine Lustre (nasa larawan), sa isang JaDine supporter na nakiusap na ipa-realize kay James na dahan-dahan ang aksiyon ng ABS-CBN na buwagin ang JaDine love team kaya ipinareha ang aktor kay Nancy McDonie ng Momoland.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results