MMFF 2019: Ang mga nakapasok at ang mga naligwak...

by Jojo Gabinete
Oct 17, 2019

"Matinding labanan ito, pero happy dahil may entry kami. Daming blessings!"

Ito ang initial reaction ng Kapuso actor na si Rocco Nacino nang malaman nitong official entry sa 45th Metro Manila Film Festival ang Write About Love, ang pelikula ng TBA Studios na pinagbibidahan nila ni Miles Ocampo.

Kung ikinagulat ni Rocco na kasali sa annual December film festival ang Write About Love, nasorpresa rin ang karamihan sa mga dumalo sa ginanap na announcement sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City, kahapon, October 16, 2019.

May mga nagtaka dahil hindi napili ang Isa Pang Bahaghari, ang drama movie ng Heaven’s Best Entertainment na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at tinatampukan nina Nora Aunor, Michael de Mesa, at Phillip Salvador.

May mga nakapanood na sa Isa Pang Bahaghari at ayon sa kanila, one of the best movies ni Joel ang pelikula.

Hinihikayat na isali na lamang ang Isa Pang Bahaghari sa Summer Film Festival na magaganap sa April 11, 2020, Black Saturday.

Continue reading below ↓

Hindi na kami nagtaka na official entries sa 45th Metro Manila Film Festival ang Mindanao at ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon dahil ito ang report namin noong September 17, 2019:

“Walang dapat ipag-alala ang fans ni Coco Martin dahil malaki ang posibilidad na maging official entry sa Metro Manila Film Festival (MMMFF) 2019 ang kanyang pelikula na may working title na Tripol Trobol.

“Hindi kasali ang pelikula ni Coco sa announcement noong July 2019 ng MMFF Executive Committee sa first four official entries na bahagi ng Magic 8 kaya nag-alala ang mga tagahanga niyang nasanay nang may Coco movie tuwing Pasko.

“Tiniyak ng isang insider na makakabilang sa Magic 8 ng MMFF ang Tripol Trobol na mula rin sa direksyon ni Coco at pinagbibidahan nila nina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado.

“Mahigit sa isang bilyong piso ang projected o target income ng MMFF Executive Committee para sa 45th Metro Manila Film Festival, na mag-uumpisa sa December 25, 2019 at matatapos sa January 7, 2020.

Continue reading below ↓

"Malaki rin ang tsansang makasali ang Mindanao, ang pelikula na pinangungunahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon at project ng 62nd Cannes Film Festival best director na si Brillante Mendoza.

“Lilimitahan ang bilang ng drama movies na kalahok sa MMFF 2019.

“Sa mga hindi mapipili, hinihikayat ang mga producer na isali ang kanilang mga pelikula sa Summer Film Festival na magaganap sa April 11 hanggang April 21, 2020 dahil siguradong walang entry sina Coco at Vice.”

Parang movie version ng Ang Probinsyano ang teaser ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon dahil kasama sa cast ang mga artista na co-star ni Coco sa primetime series niya sa ABS-CBN.

May special participation sa pelikula si Manila City Mayor Isko Moreno.

Nang dumating si Iza Calzado sa Club Filipino para sa announcement ng walong pelikula na kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival, naramdaman agad naming tiyak na official entry ang Culion.

Hindi papupuntahin si Iza ng producer ng Culion kung alam nilang maliligwak ang kanilang pelikula dahil disappointing ito para sa mga artista.

Continue reading below ↓

Napag-alaman din sa announcement ng official entries na co-producer si Iza ng Culion.

Dalaga pa si Carmina Villarroel nang magkaroon ito ng pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival kaya excited siya dahil official entry ang Sunod.

Ikinuwento ni Carmina na nagkaroon siya ng anxiety attacks dahil sa isang eksena na ginawa niya sa Sunod.

Hindi pinalad na maging kalahok sa MMFF ang The Heiress ng Regal Entertainment, Inc.

Original star ng The Heiress si Carmina at dumalo pa siya sa story conference ng pelikula noong May 1, 2019.

Nag-backout sa project si Carmina dahil nalaman nitong isasali sa MMFF ang The Heiress.

Siguradong magkakaroon ng conflict dahil nauna ang pagtanggap niya sa Sunod, na plano ring ipasok ng Ten17P Production sa naturang film festival.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results