Atong Ang, may aaminin na ba sa exclusive interview ng TV Patrol?

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2019
Sa exclusive interview ng TV Patrol kay Atong Ang, inaasahang itatanong ni Noli de Castro ang tungkol sa viral photo ng negosyante at ng aktres na si Gretchen Barretto (kanan) na natutulog habang magka-holding hands sa loob ng eroplano.
PHOTO/S: Instagram / Twitter

#TheBarrettoFamilyFeud

Pagkatapos ng exclusive interview ni Karen Davila kay Marjorie Barretto sa TV Patrol noong Martes, October 22, ang man of the hour—ang controversial businessman na si Atong Ang—naman ang haharap kay TV Patrol anchor Noli de Castro para sagutin ang mga isyung kinasasangkutan niya.

Si Atong ang una at si Ramon Ang ang pangalawang Ang na popular businessmen na nadamay sa away ng magkakapatid na Barretto.

Unang naglabas si Atong ng statement na ipinadala niya kay Henry Omaga-Diaz ng ABS-CBN News noong October 20, para itanggi ang mga tsismis na nagkaroon siya ng relasyon sa magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto, pati na kay Nicole, ang pamangkin ng Barretto sisters.

Pero lalong uminit ang kontrobersya nang kumalat kahapon, October 23, ang cozy picture nina Atong at Gretchen habang natutulog sila sa eroplano.

Inaasahan na itatanong ni Noli kay Atong ang kuwento sa likod ng viral photo nila ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Nauna nang magpaliwanag si Gretchen na nagsabing (published as is): "Unaware I crossed s bit over a bit much. This photo was sent through direct message. It is clear I was asleep on a plane ride."

Kung kilala ng publiko si Gretchen, alam nilang hindi apektado at hindi siya magpapaapekto sa pinagpipistahang viral sleeping photo nila ni Atong.

Wala nang hihigit pa sa kissing photo scandal nina Gretchen at John Estrada na pinagpasa-pasahan noong June 2007, pero nalampasan niya.

Continue reading below ↓

Kaabang-abang ang one-on-one TV Patrol interview ni Noli kay Atong dahil maghihintay ang televiewers kung muling mapapabuntong-hininga nang malalim si Kabayan tulad ng reaksiyon nito matapos mapanood ang panayam ni Karen kay Marjorie.

Again, inaasahan ding itatanggi ni Atong ang rumored affair nila ni Gretchen.

Dahil, sabi nga niya sa kanyang pahayag sa interview niya kina Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB, "Masasabi mo lang na girlfriend kapag inamin mong magkapatong kami diyan. Bakit ko naman aamining ganoon, may nakakita ba? Walang ganoon… di naman nila kami nakita sa motel.”

May tama at may lusot si Atong dahil sa viral sleeping photo nila ni Gretchen, fully dressed ang dalawa at ang ulo lamang ng aktres ang nakapatong sa lower part ng dibdib ng negosyante.

Mula nang makaladkad ang pangalan ni Atong sa away ng Barretto sisters, marami ang naintriga sa pagkatao niya.

Ayon sa mga tao na aming tinanong at nakausap, mabuting tao ang pagkakakilala nila kay Atong, kaya nalulungkot sila dahil nagugulo ang kanyang tahimik na pamumuhay.

Continue reading below ↓

Regular guest si Atong sa isang casino hotel sa Pasay City at VVVIP (Very Very Very Important Person) ang kategorya niya.

"Down to earth si Mr. Ang, kahit big-time player siya.

"Napakabait niya sa staff at talagang powerful siya pero hindi mayabang.

"Marami kasi ang big-time players sa casino na puro kayabangan, akala mo kung sino.

"Si Mr Ang, hindi siya katulad ng ibang big-time players. Hindi siya demanding, kahit VVVIP siya," testimonya ng ilang mga empleyado na nakausap ng Cabinet Files.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa exclusive interview ng TV Patrol kay Atong Ang, inaasahang itatanong ni Noli de Castro ang tungkol sa viral photo ng negosyante at ng aktres na si Gretchen Barretto (kanan) na natutulog habang magka-holding hands sa loob ng eroplano.
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results