Marx Topacio, nanghinayang ba sa hiwalayan nila ni Maxine Medina?

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2019
Kapuso star Marx Topacio on his new girlfriend: "Yung puso ko, may bago na… Wala naman problema kung galing sa showbiz industry o hindi. Ang importante, masaya ka."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nang maghiwalay sina Maxine Medina at Marx Topacio noong 2018 matapos ang pitong taon na relasyon, tanging ang beauty queen-turned-actress ang nagsalita sa entertainment press.

Sinabi lang ni Maxine na kailangan nila ni Marx ng "space to love ourselves first para ma-appreciate namin yung isa’t isa."

Pero hindi niya inilantad ang tunay na dahilan kung bakit tinuldukan nila ang pitong taon nilang relasyon.

Si Marx ay residente ng Kawit, Cavite, at dumalo siya sa media launch ng "Tara Sa Kawit," ang tourism campaign ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, noong nakaraang linggo.

Dito nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap ang Kapuso model-actor.

Nang tanungin tungkol sa current status ng kanyang love life, sumagot si Marx ng "Okey naman."

Malinaw na kumpirmasyon itong may kapalit na si Maxine sa puso niya.

"Yung puso ko, may bago na…

"Wala naman problema kung galing sa showbiz industry o hindi.

"Ang importante, masaya ka."

Continue reading below ↓

Magdadalawang-taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sina Maxine at Marx.

Marami ang nagulat at nanghinayang dahil tumagal ng pitong taon ang kanilang relasyon na inakala ng lahat ay hahantong sa kasalan.

Sabi ni Marx, "Siguro ganoon talaga. Hindi natin masabi ang buhay.

"Minsan, maganda. Minsan, may nangyayari.

"Siguro, sa tagal na rin namin, hindi pinalad ng Lord.

"Almost seven years ang relasyon namin. Bago nag-seven years, naghiwalay kami."

Sila pa noong manalo bilang Miss Universe Philippines 2016 si Maxine.

Kung hindi naging beauty queen si Maxine, magkarelasyon pa rin kaya sila?

"Hindi ko rin masabi. Hindi ko alam," sagot ni Marx.

"Saka hindi rin reason yung pagiging beauty queen niya.

"Siguro talagang parehas kaming nag-mature sa tagal ng panahon.

"Okey naman. Ako, maraming natutunan sa relationship namin, ganoon din naman siya.

"Nag-uusap naman kami, casual friends," dagdag ni Marx.

Inamin ni Marx na napag-usapan nila noon ni Maxine ang pagpapakasal, pero hanggang pag-uusap lang at walang plano.

Continue reading below ↓

Anong masasabi niya na may kapalit na rin siya sa puso ni Maxine?

Sagot ni Marx, "Yes, I heard. Pareho kaming happy."

Samantala, masaya si Marx na maging bahagi ng "Tara Sa Kawit" tourism campaign ng Cavite.

"Sariling bayan ko ito so naghanap sila ng katulad namin. Nag-yes naman ako dahil wala naman akong gagawin."

Bukod dito ay nagpapasalamat ang binata dahil hindi raw siya nawawalan ng mga show sa GMA-7

Napanood si Marx sa recent guesting niya sa The Gift, ang prime-time show ng Kapuso Network.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Marx Topacio on his new girlfriend: "Yung puso ko, may bago na… Wala naman problema kung galing sa showbiz industry o hindi. Ang importante, masaya ka."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results