Julia Barretto, hiningi nga ba ang bahay ng kanyang lolo sa Subic kapalit ng pagbabayad ng hospital bills?

by Jojo Gabinete
Oct 30, 2019
Isang informant ang nagtanggol sa young actress na si Julia Barretto kaugnay ng paratang ng tita ng aktres na si Gretchen Barretto na si Julia ang nagbayad ng hospital bills ng kanyang yumaong lolo kapalit diumano ng bahay nito sa Subic.
PHOTO/S: Mark Atienza

#TheBarrettoFamilyFeud

Ang staff ng FEU Fairview Hospital at St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ang saksi sa pagiging mapagmahal na apo ni Julia Barretto sa kanyang pumanaw na lolo na si Miguel Barretto.

Ayon sa impormasyong nakarating sa Cabinet Files, unang dinala ang Barretto patriarch sa FEU Fairview Hospital dahil sa acute respiratory failure, at si Julia umano ang kasama nito sa ambulansiya.

Nang magpasya ang pamilya Barretto na ilipat si Miguel sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City, si Julia pa rin daw ang kasama sa ambulansiya.

Ang young actress din daw ang nagbayad ng lahat ng nagasta sa FEU Hospital.

Nang i-confine sa St. Luke’s Medical Center ang Barretto patriarch, naghati-hati raw sa gastos si Marjorie at ang dalawang kapatid niya (hindi sina Gretchen at Claudine), pati na si Julia.

Nang bawian ng buhay si Miguel, may balanse pa raw na kalahating milyong piso na dapat bayaran bago payagan ang funeral parlor staff na makuha ang mga labi nito.

Continue reading below ↓

Pero kung hindi mababayaran, kailangang ibalik sa freezer ang bangkay ng nasawi.

May mga nakasaksi nang maging emosyonal si Julia nang malaman nito ang mangyayari, kaya ito na raw ang nagkusang bayaran ang balanse, gamit ang kanyang credit card.

Ito ang tinutukoy ni Gretchen Barretto sa Instagram post niyang "500k" na binayaran ni Julia at "50K" naman daw ang kontribusyon ni Marjorie sa hospital bills ng kanilang ama, at may ibang motibo raw si Julia sa pagbibigay nito ng kalahating milyong piso.

Paratang ni Gretchen kina Marjorie at Julia: "But you asked for Pikey's Subic home in return for the 500k.

“He was still alive & you wanted to take his home to pay st. lukes.

“That’s not love

“That’s not helping

“Last few days of your lolo pikey life, you wanted his home to the tune of 500k.”

Nilinaw ng Cabinet Files informant na walang katotohanan ang akusasyon ni Gretchen dahil nirerentahan lamang daw ng mga magulang ng aktres sa loob ng 30 taon ang bahay sa Subic na pinalalabas niyang gustong bilhin ni Julia sa halagang kalahating milyon lamang.

Continue reading below ↓

Totoo raw na inialok ni Mr. Barretto kay Julia ang Subic house, pero hindi para ipagbili kundi para ipagpatuloy ng kanyang apo ang pagbabayad sa renta sa bahay na may long-term lease contract.

Inilahad ng Cabinet Files informant ang untold story tungkol sa Subic house, at sa mga eksenang nangyari sa ospital nang magkasakit at bawian ng buhay ang Barretto patriarch, dahil nabahala raw siya sa mga negative news at mga batikos laban kay Julia.

Ginawa raw ni Julia ang lahat para sa kanyang lolo na mahal na mahal niya, kaya magiging unfair umano ang publiko kapag pinaniwalaan ang mga paninira laban sa young actress.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang informant ang nagtanggol sa young actress na si Julia Barretto kaugnay ng paratang ng tita ng aktres na si Gretchen Barretto na si Julia ang nagbayad ng hospital bills ng kanyang yumaong lolo kapalit diumano ng bahay nito sa Subic.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results