Gretchen Barretto accuses Marjorie, Julia of paying late dad's hospital bills in exchange for his Subic home

by Arniel C. Serato
Oct 24, 2019
Gretchen Barretto to estranged sister Marjorie and niece Julia: "He was still alive & you wanted to take his home to pay st. lukes. That’s not love. That’s not helping."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Mas tumitindi ang gusot sa pagitan ng estranged sisters na sina Gretchen, 49, at Marjorie Barretto, 45.

Ito ay dahil sa akusasyon ni Gretchen na nais daw ni Marjorie na angkinin ang bahay ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto, 82, sa Subic, Zambales.

Sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) nitong Miyerkules ng gabi, October 23, isiniwalat ni Gretchen na binayaran daw ni Marjorie at ng anak nitong si Julia Barretto, 22, ang hospital bills ng namayapang Barretto patriarch kapalit ang bahay nito sa Subic.

Naratay sa St. Luke's Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City, ang ama nina Gretchen at Marjorie sa loob ng 16 araw—14 araw sa Intensive Care Unit (ICU) at dalawang araw sa regular room—mula September 29 hanggang sa kamatayan nito noong October 15, 2019.

Sabi ni Gretchen (published as is), “Ask Marjorie itchie-very

“How much did you contribute to pay for the hospital bill od dad?

Continue reading below ↓

“50k?

“Julia? 500k.

“But you asked for pikey subic home in return for the 500k.”

Dagdag pa niya: “He was still alive & you wanted to take his home to pay st. lukes.

“That’s not love

“That’s not helping

“Last few days of your lolo pikey life, you wanted his home to the tune of 500k.”

Continue reading below ↓

"Pikey" ang tawag ng Barretto grandchildren sa kanilang yumaong lolo.

Sa loob ng 16 araw na pagkaka-confine sa ospital ni Miguel Barretto, hindi nakadalaw si Gretchen dahil ayaw raw nitong makabanggaan si Marjorie.

Pumunta si Gretchen sa unang gabi ng burol para sa nakaalitang ama sa Heritage Memorial Park sa Taguig City noong October 16.

Continue reading below ↓

Ngunit ang tahimik sanang pagdadalamhati para sa namayapa ay humantong sa isang komosyon sa pagitan nina Gretchen, Marjorie, at ang pamangkin nilang si Nicole Barretto, anak ng kanilang kapatid na si J.J. Barretto.

Ito ay kahit nasa harapan pa nila si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Marjorie upang hingin ang kanyang panig ukol sa akusasyong ito ni Gretchen.

Kaagad naming ilalathala ang kanyang pahayag kapag tumugon na ito sa aming mensahe.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto to estranged sister Marjorie and niece Julia: "He was still alive & you wanted to take his home to pay st. lukes. That’s not love. That’s not helping."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results