Ruru Madrid, ginawang sinungaling ang sariling ama at mga kaibigan

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2019
Ruru Madrid, nagsinungaling nga ba nang sinabing walang nangyaring insidente sa pagitan nila ng rumored girlfriend na si Bianca Umali?
PHOTO/S: Screenshot from GMA News

Karapatan ni Ruru Madrid na magsinungaling kaya hindi nakapagtatakang pinabulaanan niya sa 24 Oras ang balitang muntik na siyang masagasaan ng sasakyang minamaneho ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali sa insidente na nangyari sa parking lot ng SM Megamall pagkatapos ng red-carpet premiere ng Cara X Jagger noong November 5, 2019.

Ang PEP.ph ang unang naglabas ng report tungkol sa pangyayaring tahasang pinabulaanan ni Ruru sa national television, pero hindi ito nangangahulugang nasira ang kredibilidad ng entertainment website na ito.

Imbes na batikusin, dapat unawain si Ruru na napilitang magsinungaling para maprotektahan si Bianca.

Pero dapat maging handa si Ruru sa magiging epekto nito sa kanyang career at higit sa lahat, sa pagkatao niya.

Hindi lamang ang sariling credibility ang sinira ni Ruru dahil ginawa rin niyang sinungaling ang mga saksi, kabilang ang kanyang ama na si Bong Madrid.

Nanggaling sa mga eyewitness ang kuwento na napaiyak si Bong dahil sa matinding awa sa kanyang anak.

Continue reading below ↓

At dahil sa sobrang sama ng loob, nakapagbitaw umano ng salita ang tatay ni Ruru na aalis na lamang ito sa kanilang tahanan kapag nakipagbalikan kay Bianca ang anak niya.

Dahil sa pagsisinungaling ni Ruru, naging sinungaling din ang kanyang trusted friends na kinausap at hiningan niya ng payo tungkol sa problema nila ni Bianca.

May mga CCTV camera sa halos lahat ng sulok ng parking lot ng SM Megamall na makapagpapatunay na nangyari ang insidente na itinanggi ng aktor.

Pero hindi na kailangang ilabas ang CCTV footage dahil sa sarili nila, alam nina Ruru at Bianca ang katotohanan.

Sa edad na 21, immature pa si Ruru at makikita ito sa kanyang mga kilos at pananalita.

Imbes na magpainterbyu, pinakiusapan na lamang sana ni Ruru ang 24 Oras reporter na ibalato sa kanya ang isyu para hindi siya mapilitang magsinungaling.

Napakadaling pakiusapan ng entertainment media, lalo na kapag naging matapat sa kanila ang mga artista.

Continue reading below ↓

Kung naging honest si Ruru, tiyak na ang entertainment press pa ang magpapayo sa kanyang manahimik na lamang para hindi na lumaki ang isyung inumpisahan ni Bianca pero siya ang naapektuhan at napuruhan dahil sa denial niyang hindi naman kailangan.

Less talk, less mistake. No talk, no mistake at all.

Ang kredibilidad ni Ruru ang nasira at marami ang nawalan ng gana sa kanya, na imposibleng hindi niya maramdaman sa mga susunod na araw.

Faithful member siya ng Iglesia Ni Cristo ang claim ni Ruru, pero nadamay sa kanyang pagsisinungaling ang simbahan na kinaaaniban niya.

Alam ng lahat na pinahahalagahan ng INC ang katapatan ng lahat ng mga miyembro, na nilabag ni Ruru dahil ang pagmamahal nito kay Bianca ang nangibabaw kaya nagsinungaling siya sa sarili at sa taumbayan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid, nagsinungaling nga ba nang sinabing walang nangyaring insidente sa pagitan nila ng rumored girlfriend na si Bianca Umali?
PHOTO/S: Screenshot from GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results