Jim Paredes, binatikos ang planong pagbabalik-telebisyon ni Senator Bong Revilla

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2019
Jim Paredes (left) on report that Senator Bong Revilla Jr. (right) will have a new show on GMA-7: "PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this."
PHOTO/S: Facebook / Gorgy Rula

He’s back!

Pagkatapos manahimik ng ilang buwan dahil sa viral video scandal niya, balik uli sa pagbatikos sa kanyang kapwa artista ang veteran singer na si Jim Paredes.

Dati nang binabatikos ni Jim si Senator Bong Revilla Jr. dahil sa pagkakasangkot nito sa PDAF controversy.,

Ngayon, ang plano ng GMA-7 na muling bigyan ng television show ang senador ang kanyang pinuna.

“PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this,” reaksiyon ni Jim sa picked-up report ng isang entertainment website.

Continue reading below ↓

Picked-up report dahil ang PEP.ph ang unang naglabas ng balita tungkol sa nalalapit na pagbabalik ni Bong sa telebisyon na kinopya ng entertainment website.

Dagdag na pahayag ni Jim, "Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people."

May mga pabor at kumampi sa pahayag ni Jim, pero may ilan na ibinalik sa singer ang mga batikos nito laban kay Bong dahil sa video scandal niya.

Mas magiging kapani-paniwala raw ang ipinaglalaban ni Jim kung sakdal linis nito at walang video scandal na isusumbat sa kanya, kahit humingi na siya ng paumanhin.

"Let him who is without sin cast the first stone."

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jim Paredes (left) on report that Senator Bong Revilla Jr. (right) will have a new show on GMA-7: "PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this."
PHOTO/S: Facebook / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results