Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Champion gymnast Carlos Yulo, mayroon nga bang video scandal?

by Jojo Gabinete
Dec 7, 2019
Nakikiusap ang mga tagahanga ni Carlos Yulo na huwag nang ikalat ang diumano'y video scandal ng champion gymnast bilang paggalang sa mga karangalang ibinigay nito sa ating bansa.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News

Ang irespeto ang Filipino artistic gymnast na si Carlos Yulo, 19, dahil sa mga karangalang ibinigay niya sa Pilipinas ang bagong panawagan ng kanyang mga tagahanga at supporters.

Nakilala at umingay nang husto ang pangalan ni Carlos dahil sa tagumpay nito sa 2019 World Artistic Gymnastics Championship sa Stuttgart, Germany, noong Oktubre, at sa 30th SEA Games na kasalukuyang ginaganap sa ating bansa.

Pero higit na naging maingay ang pangalan ni Carlos nang bigyan ng malisya ang congratulatory message sa kanya ng bisexual singer-actor na si Mark Bautista.

Umapela si Carlos sa lahat na huwag bigyan ng ibang kahulugan ang mensahe sa kanya ni Mark at ang pag-follow nito sa social media account niya.

Pakiusap ni Carlos: "It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement. Kindness, message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting. Let’s focus on #SeaGames2019 and winning as One."

Continue reading below ↓

Kung tutuusin, may pagkakamali rin si Carlos dahil kung nakontrol nito ang excitement na nararamdaman at kung hindi siya nag-post sa kanyang Twitter account tungkol kay Mark, hindi nila makukuha ang atensiyon ng netizens.

Si Carlos ang nag-umpisa ng isyu dahil umiral ang pagiging fan niya sa kanyang tweet na ito: “Okey I’m shocked. He messaged me and he followed me as well wtf”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Masyado itong juicy para hindi pansinin ng ilang malisyosong netizens.

Hindi natapos sa Mark Bautista issue ang pagiging kontrobersiyal ni Carlos dahil sa bagong intrigang ibinibintang sa kanya—ang alleged video scandal niya.

Malaki ang resemblance kay Carlos ng lalaking tampok sa video scandal na biglang lumitaw at pinagpasa-pasahan sa Internet mula nang sumikat ang gymnast.

May mga nagsasabing kahawig lamang ni Carlos ang mystery guy sa video na pinaliligaya ang sarili.

Pero may mga nakikiusap, particularly ang kanyang mga tagahanga, na huwag nang ikalat ang video scandal bilang paggalang sa mga karangalang ibinigay ni Carlos sa ating bansa.

Continue reading below ↓

Kung siya man o hindi ang tampok sa video scandal, ang pagkakaroon ng sunud-sunod na kontrobersya na kinasasangkutan ang validation ng celebrity status ni Carlos dahil sa success niya sa 2019 World Artistic Gymnastics Championship at SEA Games.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakikiusap ang mga tagahanga ni Carlos Yulo na huwag nang ikalat ang diumano'y video scandal ng champion gymnast bilang paggalang sa mga karangalang ibinigay nito sa ating bansa.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results